Chapter Five:
BOTHERED AND ASTONISHMENT filled my mind. Isang oras na ang makalipas matapos silang dumating at kalahating oras na ang nakalipas matapos ng pag uusap namin ni Veo. Lahat kami ay nandito nasa sala kapwa nanonood ng tv at nakaupo sa malambot na sofa.
Si Kuya ay napapagitnaan namin ni Ramona samantalang si Veo naman ay nakaupo sa pang isahang sofa sa gilid ko. He's intimidating me, I can't move carefreely. Katulad na lang ngayon, gusto kong abutin ang isang bilog na footrest para sana ipatong ang paa ko pero hindi ko magawang tumayo para kunin. Pabalik balik lang ang tingin ko sa tv, sa footrest at sa paa ko. Gawain ko iyon kapag nandito ako sa bahay at nanonood ng tv.
"Princess," si Kuya.
"Hmm?"
"Aren't you going to put your feet on the footrest? Change habit?"
Pag aagaw ni Kuya ng atensyon ko. Nakatingin siya sa footrest tsaka sa akin. I bit my lip habang umiiling.
"E bakit di mo kinuha? I know how you like to put your feet on that thing especially when you are watching a tv. Gusto mo bang kunin ko?" si Kuya, nakatitig siya habang inaantay akong umuo para kunin niya.
Natigalgal kami pareho ng tumayo si Veo kinuha ang footrest at dinala sa gilid ng mga paa ko, malapit lang kasi sa banda niya. That is the reason. Hindi ko iyon kinuha kahit gustong gusto ko dahil nahihiya akong kunin baka kasi matabunan ko iyong tv, nanunood pa naman siya.
Wow! Nahihiya ka sariling pamamahay mo?
"Here," pagkatapos niyang inilagay sa gilid ng mga paa ko ay umupo na siya. Hindi ko iyon ginalaw dahil nagulat parin ako.
Pumalatak siya at lumuhod sa gilid ko, hindi pa nakaproseso ang ginawa niya at ngayon ay lumuhod pa siya. Sa pagkabigla ay umatras ang katawan ko pahilig sa gilid ni kuya.
Hindi siya nagsalita ng abutin niya ang dalawa kong paa at inilagay sa ibabaw ng footrest. He's touch is simple and vestal, but the warmth of his hands ignite the fire I never know I have inside me. Uminit ang mukha at tenga ko hanggang sa tuluyan niyang nilagay iyon. My eyes glued to him.
Nasa telebisyon na ang atensyon niya kaya umiwas na ako ng tingin, umayos ng upo at itinutok ang mata sa tv. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tinitingnan ni Kuya si Veo. Hindi maipaliwanag ang mga titig na ibinigay niya, nonchalantly yet doubtful. Si Rowena naman ay pasulyap sulyap habang nanood ng tv.
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya. Alanganin rin akong ngumiti at ibinalik na lang ang tingin sa tv. Action-romance ang genres. Hmm, my taste.
Nasa kalagitnaan na ako ng panunood ng pabagsak kong sinandal ang batok ko sa sofa, hindi naman masakit dahil balot na balot ng foam pero masyadong malakas yata ang pagkabagsak ko dahil lahat sila ay nakatingin na sa akin.
"Ayos ka lang?" si Kuya, nag aalala.
"O-oo, naiinis lang ako doon sa movie." nahihiyang sagot ko.
Kuya give me a weird look and continue watching. I then look at the man beside me, he look away then grin. I know your looking, dumb-dumb.
Hind ko mapigilan ang bibig ko ng nasa climax na ang story. Ang bida kasing babae ay umiiyak habang nakatingin sa lalaking mahal niya na may kahalikang iba. Tch, ilang beses na siyang sinabihan ng kaibigan niya na lolokohin lang ulit siya ng nobyo niya dahil ginawa na nito noon at di malabong mangyayari ulit. I really hate the likes of this man.
"Love sucks!" I blurted out.
"You think so?" si Veo.
Nagulat ako nang makita ang pwesto niya. Ang kalahating katawan niya ay nasa armrest ng sofa at sobrang lapit na niya sa akin. Mahina lang ang pagkasabi niya at sapat lang na maririnig ko.
YOU ARE READING
Dubious In Love
RomanceAedelmaer Palmarez was just fifteen, young and impulsive when she feel a strange attraction with the hot and sweet twenty years old Veoune Belafonte. Feed by her fairytale dreams and raging hormones, she fell in love with him easily and hard. But du...