Chapter Three:
I COVER MY EYES with pillow as the strong and proud sunlight penetrate through the curtain of my room. I groan, then yawn.
Tumagilid ako at maiingat na inabot ang cellphone binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang petsa at oras. Nang ma proseso ay wala sa sariling inihagis ko ang cellphone tsaka bumalikwas ng bangon.
Oh God! Oh God! Tumatanda ka na nga Aedelmaer! How can you forgot what day is today?
Pumasok ako sa banyo para maligo pagkatapos ay nagbihis ng isang symmetrical blocked pastel na dress at strapped beige na sandals. Hindi na ako nag abalang iblower ang buhok ko, tinuyo ko na lang iyon ng tuwalya saka sinuklay. I apply some light make up to suit my pastel dress.
Hmm. Good to go!
Nakangiting lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. The house is atmospheric and the people are bustling, pumalakpak ako sa tuwa ng makita ang mga pagkaing nakahanda at ang malaking tarpolin. Meron ring mga balloons at makikintab na palamuti. So lively.
"Magandang tanghali Maer." napalingon ako at malawak na ngumiti.
"Good afternoon Nay, ready na po ba ang lahat? May maitutulong po ba ako?" I beam.
"Maayos na ang lahat, hintayin na lang natin sila," nilapitan ko siya at niyakap. Natawa naman siya sa ginawa ko.
"Tuwing nag aayos ka ng ganyan e talagang napagkakamalan kitang dalaga na, ke gandang dalaga. Gusto mo bang kumain muna?" tiningala niya ako.
Umiling ako at inakay siya papuntang kusina.
"Nay naman, dalaga naman na talaga ako ah?" I pouted and even batted my eyelashes.
"Dalaga nga pero hindi pa ganun ka dalagang dalaga. Teens ka pa lang," napahalakhak ako.
"Nay, I will be turning twenty next month. Not longer a teens."
Tinalikuran niya ako at tinungo ang ref para kumuha ng mansanas, hinuhugasan niya iyon ng sagutin niya ako.
"Wag mo akong ini-english, at baka makurot kita sa singit. Ika mo nga'y next month pa, kaya teens ka parin ngayon." sininyansan niya akong maupo kapagkuwa'y inabot sakin ang mansanas.
"Salamat Nanay."
"Walang anuman,"
Tinitigan ko siya. She has already a silver white hairs, mahilig magsuot ng bistida at itali ang buhok ng pagkahigpit, still the same amazing woman who took good care of me four years ago.
"Hindi, salamat talaga dahil inalagaan at inaalagan niyo ako. Dahil sayo hindi ko masyadong namimiss sina Lola at Kuya. M-mom, and Dad. Salamat rin sa pagturo sa akin ng ilang tagalog na salita na hindi ko naiintindihan," itinigil niya ang pagpupunas at hinarap ako, hinawakan sa balikat.
"Magaling ka na nga magtagalog eh. Salamat rin at itinuring mo akong pamilya. Kami ni Adonis. Masaya akong alagaan ka, parang hindi lang dumaan ang apat na taon parang kailan lang nong ayaw kitang lapitan kasi iyak ka ng iyak. Dalawang araw matapos umalis ang lola at kuya mo."
Hinawakan ko ang kamay niyang nanatili sa balikat ko, tiningala siya at ngumiti bago niyakap ang kanyang tiyan.
When Kuya, Lola and my parents left I remained outside, crying and kneeling. Walang may nagtangkang lumapit sa akin dahil nasisigawan ko sila. I felt so alone, anguish, so dejected, so hopeless. Hindi ako pumasok ng araw na iyon at ng sumunod pa nagkulong ako sa kwarto, hindi kumakain, hindi naliligo, walang kinakausap. Nagulat na lang ako isang araw may sumisilip sa pintuan ng kwarto ko, hawak ang isang tray ng pagkain, she looks reluctant.
YOU ARE READING
Dubious In Love
RomanceAedelmaer Palmarez was just fifteen, young and impulsive when she feel a strange attraction with the hot and sweet twenty years old Veoune Belafonte. Feed by her fairytale dreams and raging hormones, she fell in love with him easily and hard. But du...