Stranger

97 2 0
                                    

Mag-ingat sa mga taong hindi mo kakilala. Don’t talk to strangers, ika nga. Pero, isang araw, naging pasaway ako. Nakipagkaibigan ako sa isang…

STRANGER.

Tahimik lang akong tao. May pagka-misteryoso ako, at minsan lang ako makipag-usap o makipagkaibigan. At, sa isang stranger pa talaga ang naging bagsak ko. Nagsimula ang storya namin nung..

Isang araw, kumakain ako sa may canteen ng school namin, mag-isa. Nakita ko ‘yung isang babae dun sa gilid. Maputi siya, mahaba ang buhok, maganda at… Bakas sa muka niya ang kalungkutan. Bakit kaya?

Hindi siya kumakain. Nakaupo lang siya at mag-isa. Hindi ko alam pero nung nakita ko ang babaeng tulad niya na mag-isa at malungkot, nakaramdam na rin ako ng lungkot. Nilapitan ko siya. First time ko ‘yung gawin sa isang babaeng ngayon ko lang nakita. Bakit ganun? Nahuhulog na ata ako sa kanya.

“Miss…” tinignan niya ‘ko ng may pagka-gulat. Nakita ko sa mga mata niya na umiiyak pala siya. “Pwede bang maki-upo?”

Tumango siya at pilit na ngumiti sa’kin. Pinunasan ko ang luha niya at tumabi sa kanya.

“Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Hindi kita kilala, pero gusto kong malaman mo.. na nandito lang ako. Pwede mo ‘kong sabihan ng problema mo. Pwede mo ‘kong maging kaibigan.”

Tumingin ulit siya sa’kin, waring nagtataka. Bakit ko nga ba nasabi ang mga bagay na ‘yun? Hindi ko alam.

Lumipas ang maraming araw at tuwing break eh lagi ko siyang nakikita sa may gilid pa rin ng canteen. Nilalapitan ko siya palagi at kinakausap. Gusto kong lagi siyang nakangiti. Ayokong nakikitang malungkot ang isang tulad niya.

Habang tumatagal eh unti-unti ko na rin siyang nakikilala. Simple lang siya, tahimik tulad ko at.. May pagka-misteryosa rin. Lucy ang pangalan niya. Ang totoo niyan, nahuhulog na talaga ako sa kanya.

Isang buwan. Isang buwan ko na rin siyang sinasamahan, kinakausap, pinapangiti tuwing break. Sa may gilid ng canteen, dito kami laging nagkakasama. Hindi ko nga alam kung ka-batch ko ba siya, lower lever o higher pero.. mahal ko na talaga siya.

Nasa canteen ako ngayon, hinihintay ang pagdating niya. Nasaan na kaya siya? Sana makita ko siya ngayon.  

Isang linggo na ang nakalipas simula nung araw na huling beses ko siyang nakita. Miss ko na siya. Nandito pa rin ako sa may canteen, inaabangan ang pagdating niya. Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya ngayon? May sakit ba siya? Buhay pa ba siya? Ay, anong klaseng tanong naman ‘yung huling tinanong ko. Natural, buhay pa ‘yon.

Isang linggo nanaman ang nakalipas at ganun pa rin, wala pa rin siya. May event ata sa school ngayon. 4th death anniversary ata nung estudyanteng ni-rape at pinatay dito sa campus. Hindi ko naman kilala ‘yung estudyanteng ‘yun kasi unang taon ko pa lang sa school na ‘to.

Pumasok kami sa may auditorium. Madilim at puno ng tao. Nag-flash ang isang malaking larawan sa harapan ko na ikinagulat ko. Hindi.. hindi ‘to maaari. Hindi ko maintindihan. Ano itong nakikita ko? Kalokohan ba ‘to? Bakit si Lucy ang nasa larawan?

“Pare, kawawa naman si Lucy noh? Graduate na sana siya ngayon kung hindi lang sana siya pinatay dun sa may gilid ng canteen.”

Pagkatapos nung araw na ‘yun eh hindi ko na ulit nakita pa si Lucy. Siguro nga eh hindi pa natatahimik ang kaluluwa niya noon kaya nagpapagala-gala pa siya dito sa may school.

Hanggang ngayon eh hindi pa rin ako makapaniwala. ‘Yung babaeng dati kong sinasamahan, kinakausap, pinapangiti tuwing break sa may gilid ng canteen, isang kaluluwa na lamang pala iyon.

Mag-ingat sa mga taong hindi mo kakilala. Don’t talk to strangers, ika nga. ‘Yung katabi mo ngayon, kilala mo ba ‘yan? Kasi kung hindi.. Malay mo, isa pala itong killer, rapist, o baka tulad nung nangyari sa’kin.. Baka isa na lamang pala itong kaluluwa.

Koleksiyon ng mga Maiikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon