Tuwing tatanungin ko ang taong mahal ko kung ano ako sa kanya, ang lagi niyang sagot ay...
BALLOON.
Oo, ang weird. Balloon daw ako ng taong mahal ko. Saklap nga. Isang taon ko nang nililigawan 'yung lalaking 'yun pero ang tanging tingin niya lang talaga sa'kin ay... balloon?!
Amp lang talaga. Alam kong hindi gawain ng isang babae ang manligaw, kaya nga tuwing manliligaw ako sa kanya, laging may “joke lang” sa huli.
"Oi mahal kita, Kenji! Mahal na mahal, sagad sa buto, times mo pa sa infinity! Joke lang." sabay bigay ng peace sign.
At ang lagi niyang sagot?
"I balloon you. I balloon balloon you."
Opo, siya na ang pinakawirdo sa lahat ng wirdo. Pa'no kasi, 'yan lang din ang lagi niyang sagot tuwing pabiro kong sinasabi sa kanya ang mga salitang “mahal kita”.
Argh. Gusto ko nang tanggalin ang puso ko para hindi na ito tumibok pa sa kanya! Bakit ba kasi sa lahat ng lalaking pwede akong mahumaling, sa bestfriend ko pa talaga ako nahulog?!
Oo, siya ang nag-iisang bestfriend ko. Marami akong kaibigan, pero siya talaga ang ''da best''! Kaya nga ang hirap ding isugal ng lahat eh! Bestfriend nga kasi. Tipong kahit nasasaktan ako, tinatanggap ko lang lahat para sa kanya…
“Alam mo, mahal ko na nga siya…”
Dahil ako lang din ang bestfriend niya, lagi niya nun akong kinekwentuhan tungkol dito sa isang babaeng… mahal daw niya. Oo, masakit pakinggan ‘yung mga sinasabi niya, pero ano nga bang pwede kong gawin? Pwede ba ‘kong umayaw? Bestfriend niya ‘ko eh… Hindi pwede.
“Edi ligawan mo.”
Sabay ngiti ko sa kanya, isang pekeng ngiti.
"Aray."
"B..balloon ko, b..bakit?"
Halatang kinabahan si Kenji sa pag-aray ko.
"W..wala.. M..may sumakit lang. Dito oh..."
Nilagay ko 'yung kamay ko sa may dibdib ko. Alam kong kinakabahan si bestfriend sa sinabi ko kasi may sakit ako sa puso. Mahina ang puso ko, pero this time... Masakit siya kasi naalala kong...
Bestfriends nga lang kami, at may iba siyang mahal.
"Teka…” Sinubukan kong pakalmahin siya dahil halatang kinakabahan pa rin siya. “Kelan mo naman pala balak sabihin sa'kin ang meaning niyang "I balloon you" mo na 'yan?! Haha…” Isang pekeng tawa, para sa tagong nararamdaman kong ito. "Mahal na mahal talaga kita, Kenji…
…hindi joke.”
xxxXXXxxxXXXxxxXXXxxxXXXxxx
Oo, nung mismong araw na ‘yun, pinagtapat ko na ang tagong nararamdaman ko para kay Kenji. Pero pagkatapos na pagkatapos ko ring sabihin ‘yun eh sumakit nanaman ng todo ‘yung puso ko at sinugod ako sa ospital.
ISANG BUWAN.
Isang buwan ako sa ospital at ngayon ang labas ko. At oo, isang buwan na rin nang huling beses kong makausap ang bestfriend ko. Bakit ganun? Hindi na niya ako tinatawagan sa phone nor tinetext simula nung araw na ‘yun na… nagtapat ako sa kanya.
Ayaw na ba niya sa'kin dahil lang mahina na 'ko?
Pwes, hindi niya pwedeng idahilan 'yun. Sa loob ng isang buwan na 'yun, mas nag-improve na nga raw ang kalagayan ko eh. Feeling ko nga ang lakas lakas ko eh. Pa'no ba naman kasi...