Just another normal day.
…Or is it?
Tuesday. First class ko ngayon ay Chemistry. 11:30 to 1:00. Buti na lang at dinismiss kami ng maaga ni Prof. Gregory.
*BEEEEP*
Ayan na naman 'yung jeep. Sasakay nanaman ako sa isang sasakyang puno ng tao, makikipagsiksikan kasabay ng pagbagsak ng ulan.
"Bayad po..."
Pinaabot ko 'yung 7 pesos ko dun sa lalaking katabi ko sa may jeep… Siya nanaman.
Siya 'yung lalaking lagi kong nakakatabi tuwing sasakay ako ng jeep galing Chem bldg. Matangkad ito, maputi ang balat, may salamin, at sa itsura niya pa lang, masasabi ko nang tahimik siyang tao.
2 mins. Hindi ko maiwasang tumingin sa relo ko sa tuwing makakatabi ko ang lalaking ito. Ewan ko ba pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko ‘pag katabi ko siya. Hindi ako mapakali at pigil na pigil ako ngayon sa pag-ngiti. Pa’no ba naman kasi, ang gwapo ng katabi ko.
"Para po..."
Bumaba na ako ng jeep at nagpunta sa main canteen ng university na pinapasukan ko. Kakain kasi ako ng lunch. Gutom na ako.
Hindi ko talaga gusto ang Tuesday dahil bukod sa may Chem at Philo ako eh wala akong masyadong kasama sa araw na 'to dahil iba-iba 'yung mga classmates ko dito at wala akong kasamang blockmates.
"Ate, bayad ko po..."
Inabot ko na 'yung bayad saka umupo para kainin 'yung tapsilog na binili ko. Habang mag-isa akong kumakain, nakita ko nanaman... siya.
Hay. Napangiti nanaman niya ako. Pero bakit ganun? Bakit nakangiti rin siya? AY EWAN. Ilusyonada ako masyado. Pa’nong ngingiti ang isang tulad niya na busyng busy sa pagsusulat. Oo, nagsusulat siya ngayon sa may canteen. Busy nga eh.
Pero… Bakit kaya ganun? Bakit sa tuwing sasakay ako ng jeep at kakain, lagi ko siyang nakikita? Hindi naman kami pareho ng binababaan sa jeep dahil nauuna akong bumaba sa kanya, pero bakit lagi na lang ganito at nakakasabay ko... siya?
1:50. Mabuti na lang at tumigil na ang ulan. 10 mins na lang at magsisimula na ang next subject ko: Swimming. Tumayo na ako saka naglakad papunta dun sa University Pool. Tama lang naman siguro ang sampung minuto para maglakad.
3:30. Tapos na 'yung P.E. ko kaya naman aalis na sana ako pero biglang lumakas nanaman 'yung ulan kaya naman bigla kong binuksan ang bag ko at hinanap 'yung payong ko pero...
BAKIT WALA?! NAIWAN KO BA?! SAAN NAMAN?!
Tae. Sa dami ng beses kong nagdala ng payong, bakit ngayong umuulan ko pa nawala 'yung payong na 'yun?! Tae lang. Sasakay na nga lang ulit ako sa jeep. Taeee! Kainis talaga. 14 pesos in one day ang nasayang.
Pero, teka...
WALA RIN ‘YUNG WALLET KO?! NASAAN 'YUNG WALLET KO?!
AHH!!! BADTRIP!!! Kahit na barya-barya lang ang laman nun, mahalaga pa rin 'yun sa'kin. Nandun lang naman kasi… 'yung picture niya eh.
Oo. Dahil lagi ko siyang nakakasabay sa jeep at sa tuwing kakain, pasimple ko siyang kinuhaan noon ng picture sa cellphone ko saka ko pinrint kasi nga... crush ko na yata siya.
Gwapo kasi siya kahit na mukang tahimik lang. I find him mysterious, tipong gusto kong makilala siya at malaman ang mga sikreto niya, pero... Nah, that's impossible. Hindi ko kayang kausapin ang tulad niya kasi hindi ako ganung klaseng babae. Nahihiya rin kasi ako sa kanya.
Ano Justine, uupo ka na lang ba dito at ica-cut ang Philo mo?! Hindi ka pa naman pala-recite at tanging sa attendance ka na lang nakakabawi kaya ano?! Uupo ka na lang diyan?! Ha?! Talaga?! Ready ka magka-tres?!