For three years, he has been my crush. And yes...
...He is my first dance.
-KRING-
I'm just a normal 3rd year HS student. First class namin ngayon ay P.E, and I thought it would just be another normal day where our teacher would teach us different types of dances, but then it turned out to be... a magical day for me.
"Dahil sa nalalapit na ang prom niyo, cotillion naman ang ituturo ko sa inyo ngayon para naman may idea kayo sa mangyayari kahit papa'no. By class number ang partneran, okay class?"
F-11 ako nun, at M-12 naman siya. Hindi ko siya makakapartner dahil partner niya si Maye, at partner ko naman si Vic. Okay lang 'yun. Alam ko namang wala pa ring magbabago kung maka-partner ko man siya o hindi. Mananatili pa rin akong ganito, invisible sa mata niya. Siya lang naman kasi 'yung top 1 ng buong 3rd year, sobrang talino niya, sobrang talented, humble, gentleman, gwapo at hinahangaan ng marami. Eh ako?
Average student lang ako. Nasa top, pero hindi ganun kataas. Marunong akong mag-piano, samantalang siya naman, marunong mag-piano, guitar at violin. Kung ano ang meron ako, triple ng kung ano ang meron siya. Tahimik lang ako at sobrang bilang lang ang mga kaibigan ko sa school, pero siya? Kasama siya dun sa grupo ng school namin na kapag naglakad ng magkakasama eh para bang nags-slow motion ang paligid at halos lahat eh napapatingin sa direksyon nila.
Hindi ko alam kung kelan niya ba mapapansin ang isang tulad ko. Three years ko na siyang kaklase, pero sa three years na 'yun, hindi ko nabigyan ng chance ang sarili ko na makipag-close sa taong gustong-gusto ko.
"Ma'am, absent si Maye."
Napatingin na lang ako kay Keve, ang lalaking gusto ko na alam kong kahit kailan ay hindi ko maaabot. Malapit lang kasi siya ngayon sa'kin. Kaharap kasi siya ni Vic na siya namang katabi ko.
"Then matuto kayong mag-adjust."
Mag-adjust? Hindi ko agad na-gets 'yung sinabi nung teacher namin sa P.E. Pa'nong adjust?
"Partners na raw tayo."
Nagulat na lang ako dahil... kami na raw ang partners. Sobrang nanginginig ako sa nalaman ko. Ewan ko ba pero parang may kumukuryente sa buong katawan ko, pati nga sa tiyan ko eh parang may mga "butterflies" nga, at 'yung puso ko, 'yung kabog ng puso ko ay sobrang lakas na para bang anytime, mahihimatay na 'ko sa sobrang... kilig?
As I heard the music play, hindi ko maiwasang mapatingin kay Keve na siyang katabi ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Bakit ako? Bakit sa lahat ng babaeng nasa class namin, bakit ako pa ang nakapartner niya?
♫ CAN I HAVE THIS DANCE? - NOW PLAYING ♫
"So now, hold your partners."
Ngumiti siya sa'kin bago niya tuluyang hawakan 'yung kanang kamay ko. Ginuide niya 'ko at inilagay naman niya ang kaliwang kamay ko sa may balikat niya. Matapos 'yun ay naramdaman ko naman ang kanang kamay niya sa may likuran ko.