Hinawi ko yung buhok kong halos matakpan na ang mukha ko dahil sa hangin. Nakatulog pala ko sa byahe. Dinungaw ko yung bintana kung nasan na ko.
"Malapit na pala yung school." sambit ko sa sarili ko.
Natanaw ko na yung university namin. Sakto lang pala yung gising ko. Inayos ko na yung headphones ko tsaka bumaba na ng bus. Pumasok na ako sa gate ng school at nagswipe ng ID ko at agad2 ng tumungo sa room kung saan yung unang klase ko.
"KC!!!!!"
Paakyat nako nang second floor nang kalabitin ako ni Patrick.
"Anak ng tokwa!""Ay, ay. Ang gwapo naman ng anak ng tokwa."
Inirapan ko siya.
"Eto namn di na mabiro. Kanina pa kita tinatawag eh."Hinawakan niya yung dalawang braso ko, tsaka hinarap sa kanya. Tinitigan niya muna ko tsaka, hinawi niya yung buhok ko malapit sa tenga ko.
"Kaya pala eh, nakacharj nanaman yang earphones mo!"
"Bingi na kung bingi. Maganda naman!"
Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko at nagsimulang maglakad papuntang room."Eh, maganda daw? Pero sinisipon parin.."
Tinignan ko siya ng masama.
"Joke lang naman, eto naman oh, di mabiro. May regla kaba ngayon ha."Sumabay narin siya sakin sa paglakad patungo room.
"Naalala ko tuloy yung pinaggagawa natin nung bata pa tayo."Sabi ko sa kanya tsaka hinampas siya sa likod. "Araaayy!"reklamo niya.
Hinampas ko uli siya at napa aray nanaman siya. Pero ang tono ng pagkasabi niya nun, ay pabakla. Kaya nagtawanan uli kami.
Di ko napansin nasa pinto napala kaming dalawa ni Patrick. Una naming nakita si Sir Mark na nakangiti at nakaupo sa tapat ng mga kaklase ko. Nakangiti parin kaming dalawa ni Patrick.
"Good morning din sa inyong dalawa."
Inunahan na kami ni Sir Mark bumati. Nahiya tuloy ako sa harap ng lahat. Nakangiti kami ni Patrick na parang temang.
"Eh sorry Sir. Good morning din po."
"Sir! Good morning din po!" Masiglang bati ni Patrick sa kanya.Hinatak ko na sa loob si Patrick hatak ang isa sa tenga niya papunta sa upuan namin. Badtrip din to eh.
"Uy!" Tawag ko sa klasmate ko nasa unahan. "Anong nakain nanamn ng sir na yan at iba ang ihip ng utak nyan ngayon?"
"Ewan, pag-alis niyan kanina, masaya pa naman. Naka smile pa nga nung tinatawag na yung names natin."
"Tapos." sabi ko.
"Ayun, pagbalik niya dito parang nakasalubong ng tigre kung san man siya nanggaling. At nagdala pa ng napakataas na gawain.""Eh, baka may regla?"
Nagtawanan kami ng kaklase ko."Ms. Soriano? May nakakatawa ba jan?" napansin pala kami ni Sir Mark. Bat ba ang init ng ulo nito, kay umagang-umaga pa.
"Ah, sir wala namn po. Sorry po"
"Ganun ba? Okay, kunin mo tong notebook mo dito at umpisahan mo ng magkopya ng aralin, hindi yang makitsismis kapa jan kahit late ka na nga." suhistyo niya.Pumunta ako sa harap kung san nakaupo siya sa table na malapit sa board.
"Sir, kukunin ko na po."
"Hanapin mo lang jan sa table."
YOU ARE READING
My Rude Teacher
Short Story"He was my biggest nightmare but then became my lover." "He was my antagonist but then became a protagonist." "I was hate him, but then I'd love him." "He was my drugs thats why Im addicted to him." - Kate Cyril