Oh come on, bat ba andito tung lalaking to.
Napatingin siya dito sa direksyon ko, nagulat ako kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagsalita.
Siya yung teacher sa dati kong school na pilingero. Oo, ganyan siya. Eh mga loka-loka kasi yung mga kaklase ko. Sinabi nila sa kanya na may gusto daw ako sa kanya at alam ng lahat na walang katotohanan yun. At biktima lang ako ng trip ng mga mokong. Pero dahil sa pagkapilingero ng isang to, naniwala naman kaya simula nun ayaw na niya kung tigilan. Ang simpleng biro sa oras na yun ay naging tandem na sa buong klase at nagtagal din ito dahil sa pilingerong guro na to.
Nagpapasalamat nga ako na lumipat kami dito sa Manila, dahil dito na din na assign ang daddy ko bilang prosecutor. Nalayo na ako sa pilingero na to. Nakakainis na kasi, tinutuhanan na. Di niya ba alam ang salitang joke. Haaays.
Nagsimula na siyang magdiscuss, nagsulat narin ako ng notes ko. Marunong siyang guro, hindi ko maikakaila yun. History teacher namin siya dun sa dati kung school.
Ang bilis paring mag discuss tong taong to.
Kabago-bago palang. Haaayss wala akong maintindihan, sa totoo lang ayoko sa history. I mean, gusto ko naman malaman ang buong history kung paano ganun, paano ganyan. Pero kasi boring, tsaka ----
*Bell's ring*
"Haayyy" nagunat ako, at umayos na ng upuan. Uwian naaaa.
"Okay yung lang muna, good bye class" sambit ni sir Mark.
"Bye sir" sagot namin lahat. Tumingin siya sa direksyon ko. Kanina pa to ha. Bahala nga siya jan.
Lumabas na kami ni Moreen at Hannah ng room. Uwian nakaya dumiretso na kami sa labas ng campus. Nagkulitan muna kami habang hinihintay yung bus na sasakyan namin.
Dumating na yung bus na sasakyan ng dalawa. Sabay sila kasi magkapereho lang ang village na tinitirhan nila.
"Una na kami KC, ingat ka sa pag uwi ha. Wag kang magkakamaling maghanap ng boylet!" sabi ni Moreen. Natawa ako.
"Okay po, tsaka gawain niyo yan noh. Huwag mong ipasa sa kin." sagot ko sa kanila tsaka tumawa na rin yun dalawa.
"Cgeh na, ingat rin kayo. Bye!" dagdag ko at sumakay na sila sa bus. Nagwave ako ng kamay.
Umupo muna ako sa kalapitan na upuan ng nagiintay ng bus. Kaunti nalang ang tao na naghihintay ng bus. Ka village ko yata tung mga to. Palaging huli dumadaan yung sakayan namin kaya palagi din ako ang huli sa aming tatlo na makakauwi.
Nilaro ko yung ballpen na hawak-hawak ko. Habit ko na rin ang laruan to. I pupush tsaka epu pull.
"Nag-iisa?" tanong nung lalaking papalait sakin. Tinignan ko kung sino.
I just gave him my obvious-naman-diba-look.
"Oh, easy, di ka parin nagbabago Ms. Soriano." tawa niya ate biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Di ko akalain na makikita kita dito. Destiny nga naman. Haayy" dagdag niya tsaka inayos niya yung buhok niya. Eto na naman tayo. Inirapan ko lang siya.
Tumunog yung phone ko. Kinuha ko sa bag at sinagot yung tawag. Kaya tumigil din si sir Mark sa kakasalita.
"Oh ma, opo, pauwi napo. Ha? Ah, Oh! Andito napo yung bus ma. Sakay nako. Okay po ma. Sige bye."Tumayo na ko at sumakay na ng bus tsaka umupo na.
Nakita ko si sir Mark na nakaupo parin kung san ako nakaupo kanina. Nakatingin lang siya sakin at nakangiti. Nagsimula ng umandar yung bus.
Sinuot ko na yung headset ko at nakinig ng music.
*kaumagahan*
"Anak, bumangon kana jan malalate ka niyan ehh" sigaw ni mama sa labas.
Haay, antok pa ko. Ayoko pang bumangon. Tinignan ko yung alarm clock ko. 6:30 na. Oh my God 30 minutes nalang magsisimula na ang klase. Naku Kate Cyril tulog mantika ka talaga, useless lang alarm clock mo.
"Maligo ka na anak" dagdag ni mama.
Tumayo na ako at saka dali-daling pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos nagbihis nako at lumabas na ng kwarto ko.
"Ma, una nako" lumapit ako kay mama tsaka kiniss siya sa chick.
"Kumain ka muna anak." nagaalalang tugon ni mama.
"Sa school nalng po, baka malate nako" sagot ko sa kanya.
"Dalhin mo nalng kotse mo nak. ""Huwag na ma, kas lang sa gasolina" nginitian ko siya.
"Sige nak mag-ingag ka."
Sige ma, bye!"Lumabas nako ng bahay at tumakbo papuntang sakayan. Hindi naman ganun kalayo.
Oo may kotse ako, pero ayokong magdala nun. Mas bet ko ang mag commute, nagcocomute rin naman ako dun sa dati naming lugar. Kaya sanay nadin ako, tsaka morning exercise ko narin to.
Halos mga 15 minutes din yung byahe.
May 5 minutes pakong natitira. Dali-dali nakong umakyat papuntang room.At bilang athletic nakaabot ako. Hahaha sakto lang 7:01 na.
Pagpasok ko andito na din si sir. Binigyan niya ko ng, buti-nakaabot-ka-look at nagresponse ako ng ako-pa-look. Tumingin sila sakin. Inirapan ko lang sila at dumiretso na sa upuan ko."Okay kopyahin niyo yung nakasulat sa board" panimula ni sir Mark. Nagsimula ng magsulat yung kaklase ko
Inayos ku na yung desk ko tsaka kinuha yung notebook ko sa history class. Kinuha ko narin yung ballpen. Wait, nasan na ba yun. Nilagay ko yung bag sa desk ko para hanapin maigi yung ballpen ko.
"Haayy ano ba yan, asan na ba yun?"Nilabas ko na yung ibang gamit ko. Pero wala pa rin. Umakbo ako sa desk.
"Eto ba hinahanap mo?" May kamay na nag-abot hawak ang isang ballpen.
Ballpen ko to ha. Tinignan ko kung sino ang nagsalita. Si sir Mark.
Bat nasa kanya to.
Yumuko siya dahilan para magkalapit ang mukha namin at mas makikita mo yung buong mukha niya. Mataas ang pilikmata at bilog na dark ang eyes ni sir Mark.
Tinitigan niya lang ako, at nagsalita na kinagugulat ko, kaya umiwas ako ng tingin. "Nalimutan mo kahapun," panimula niya. I gave him my saan-look.
Umayos na siya sa tayo niya. Nilagay niya yung ballpen sa desk tsaka nagsalita uli. " Sa sakayan" pagkatapos nun, umalis na si sir at bumalik na dun sa unahan.
Bat ang ganda ng eyes niya. Maayos naman ang mukha niya pag-malapitan. Tinignan ko yung ballpen ko, tsaka tinignan ko din si sir Mark na nagbabasa ngayon ng libro.
Erase.. Erase.. Erase Kate Cyril! Nagulat ka lang kanina. Oo nga yun nga yun. Alam mo naman yung titser mo. Haayyss oo nga.
YOU ARE READING
My Rude Teacher
Conto"He was my biggest nightmare but then became my lover." "He was my antagonist but then became a protagonist." "I was hate him, but then I'd love him." "He was my drugs thats why Im addicted to him." - Kate Cyril