"Is everyone here?" Huling tanong ni Sir Dalton habang nakatayo sa unahang bahagi ng bus at nakahawak sa metallic pole, katabi lang ng driver's seat.
"Opo," ako ang sumagot lalo't nasa akin ang pinal na listahan ng mga pupunta. Nasa akin din kasi ang mga parental consent at waiver.
"How about Ameera and Greg?" kunot-noong tanong ni Liam.
"Ameera called last night, may lagnat kaya hindi makakasama. Greg on the other hand got grounded," paliwanag ko na lang.
"How about supplies? Tents? Pagkain? Tubig? Toilet Paper? Pagkain? at PAGKAIN?!" Scotty chimed, putting great emphasis on the love of his life—food. This guy is unbelievable. Pagkain at Skateboard lang ata ang laman ng isip niya.
"Gotchu fam," sabi ko na lang sabay kuha ng isang pack ng oreos mula sa plastic bag na dala ko. Hinagis ko ito at excited na itinaas ni Scotty ang kamay, kaso mukha niya ang nakasalo nito kaya tawanan kaming lahat.
"Really Savi? A plastic bag?" Pasaring ni Liam sabay tingin sa dalawang plastic bag sa paanan ko.
"Chillax, Liam! She'll properly dispose it naman! SI Savi pa!" Kelsey quickly came to my rescue.
"Yeah Liam, better pull that stick outta your ass," dagdag pa ni Maya sabay halakhak.
Hindi ko na kailangan pang tingnan ang mukha ni Liam kasi sigurado akong sobrang iritado na siya sa dalawa, lalo na kay Maya. They love hating each other.
"By the way, before I forget, here's what I promised," simula ni Sir Dalton kaya napunta muli sa kanya ang buo naming atensyon. We cheered so much when we saw him pull out a big laundry bag from under one of the chairs. Alam na kasi namin ano ang laman nito.
Isa-isang inilabas at ibinigay sa amin ni Sir Dalton ang kulay Maroon namin na t-shirt kung saan may logo ng club namin sa harap. It's kind of ironic how GreenSavers ang pangalan namin pero Maroon ang club color namin. This the theater club's fault. Inunahan nila kami sa green.
"Okay, so before we head to Torryn Grove, sinong gustong mag lead ng prayer?" Anunsyo ni Sir Dalton at sa isang iglap natahimik ang lahat. Tahimik kaming nagtapunan ng mga tingin.
"We are so going to hell," biro ni Jimbo at nakuha pang humalakhak.
"I'll lead," taas-noong nagtaas ng kamay si Kelsey.
Malaki-laki ang bus para sa aming sampu. Medyo mahaba-haba rin ang byahe kaya papalit-palit sila ng upuan, kung saan sila mas komportable.
3 hours into the road and next thing I know, naglatag na ng mantel sa gitna ng aisle sina Jimbo, Maya, at Scotty, naupo sila rito habang kumakain, parang nagpi-picnic lang. Hindi nila alintana na halos matapon sila sa tuwing pume-preno ang bus, sa katunayan parang nag-eenjoy pa nga sila. Nagtatawanan pa sa tuwing muntik silang masusubsob paharap. Para silang may sariling carnival ride.
BINABASA MO ANG
Hunyango (Published under Bliss Books)
हॉररSampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awards Winner 2019 under Horror category)