Chapter Theme: The world is ugly - My chemical romance
SAVANNA
My heart dropped the moment Scotty told us about what he saw. After everything I have witnessed, I couldn't bear to see another friend die. Not my best friend.
"S-so what you're saying... Ako na ang susunod na mamatay?" Halata ang magkahalong gulat at takot sa mukha ni Kelsey matapos ipaliwanag ni Scotty kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya.
"Come on guys, that's not a good joke," dagdag pa niya. Tumingin siya sa akin na para bang humihingi ng tulong.
I looked away from her, guilty that I couldn't give her the answer that she wanted.
If only I could lie to her so I could ease her worries, but if I lie to her it will only make things worse. It's better if she knows the danger coming for her.
"Don't listen to them. Walang mangyayaring masama sa'yo," giit ni Darius kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Darius had a stern look up his face. He looked somewhat serious yet annoyed.
"Alam naming mahirap paniwalaan pero totoo!" Scotty insisted, trying to convince them.
"Savi?" Kelsey asked in a desperate tone. I instantly regretted looking at her because I felt like crying the moment I saw fear in her eyes.
"I will do everything just to protect you," that was all I could say as I tried to keep my voice from faltering.
Kelsey closed her eyes as she bowed her head down. Darius was quick to console her by putting his arms around her. He kept whispering something to her and we had no idea what it was.
Napatingin ako kay Trick at nakatingin na rin pala siya sa akin. His eyes were full of concern. I nodded, trying to tell him that I'm okay. I should be okay. I can't be weak now. Our lives are on the line. Kelsey's life is on the line.
A waiter walked towards us with a pitcher on his tray. As he set it down for us, I took it as my chance to go to the restroom to gather myself.
The three bathroom stalls were empty. Realizing I was alone, I let myself collapse against the wall. Nanghina ako nang maalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, lalo na ang pagkamatay ni Liam na nasaksihan ko mismo. Ni hindi ko man lang siya natulungan. Tapos ngayon si Kelsey naman ang nanganganib.
"Savanna? Ayos ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Trick mula sa labas.
Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto at hinila siya papasok.
"Umiiyak ka..." Marahan niyang sambit sabay lapat ng daliri sa aking pisngi.
"Trick, makinig ka sa'kin." Humakbang ako nang isang beses paatras at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko. Pilit akong nanatiling taas-noo habang nakatingin sa mga mata niyang malamlam.
"Ngayon pa lang, lumayo ka na. Hindi mo na kailangan pang madamay sa gulo namin. Salamat kasi sinusubukan mong tumulong pero utang na loob, mabuhay ka na lang bilang tao kaysa madamay ka pa," pakiusap ko sa kanya. Pilit kong hinihinaan ang boses ko sa kabila ng emosyong tumutupok sa akin.
Mabilis siyang umiling, seryoso na ang tingin. "Hindi ko gagawin 'yan. Mananatili lang ako sa tabi mo."
Nanikip ang dibdib ko at nanlabong muli ang mga mata dahil sa mga luha. "Kailan ka ba makikinig sa'kin?! Kapag may nangyari nang masama sa'yo?! Kasi ako, ayokong may mangyaring masama sa'yo! Makinig ka naman oh?"
Napakurap-kurap siya habang bahagyang nakaawang ang labi. Ang kanyang mga mata ay malamlam pa ring nakatingin sa akin.
"Trick, wala kang kinalaman sa gulo namin. Umiwas ka na sa kapahamakan," pakiusap kong muli.
"Handa akong gawin ang lahat para sa'yo, maliban lamang sa hinihiling mo. Hindi kita lalayuan," aniya sa mababang boses.
I stared deep into his eyes. Trying to see a hint of lie or hesitation, but I couldn't find any. He was stern. He meant every word.
"Nilabag ko ang batas ng langit para lang protektahan ka, hindi kita papabayaan nang basta-basta."
Napadungo ako at hinayaan ang luha kong umagos. Narinig ko ang kanyang paghakbang hanggang sa namalayan kong nakasandal na ang noo ko sa kanyang dibdib at nakakulong na ako sa kanyang yakap.
"Ano bang nagawa ko para sa'yo?" hindi ko napigilang magtanong.
"Nagsinungaling ako sa'yo, Savanna," sambit niya sa namamaos na boses. Animo'y may takot at pag-aalinlangan sa tono ng kanyang pananalita. "Hindi ako isang multo."
Bahagya akong humiwalay mula sa kanyang yakap. Napatingala ako at pinagmasdan ang kanyang mga matang puno ng kalungkutan. "Alam kong matatakot ka sa akin oras na malaman mo kung ano talaga ako."
"W-what are you?" My voice came out like a whisper.
Napapikit si Trick. "Shapeshifter. Iyon ang sabi ni Samael. Dahil dito, tinatawag niya akong Trick."
Ilang sandali akong nanigas sa kinatatayuan. Napakurap-kurap ako dahil sa narinig. "N-nakakapagpalit ka ng anyo?"
Tumango si Trick at dumilat. Ang kanyang mga matang nangungusap ay puno ng kalungkutan. "Isa akong imortal na walang anyo. Walang pangalan. Walang pagkakakilanlan. Nakakulong ako sa lungsod na ito at nakadepende lang ang hitsura ko sa mukha ng mga taong namayapa na."
Imbes na matakot, labis akong nakaramdam ng lungkot para kay Trick.
"Tila ba isang walang hanggang sumpa ang pagkakakulong ko sa lungsod na ito. Ni hindi ko alam kung anong silbi ko bukod sa pagiging kanang-kamay ni Samael. Araw-araw hinihiling ko ang katapusan ng bawat walang saysay kong sandali sa mundong ito. Lagi kong hinihiling kay Samael ang katapusan ko, hanggang sa makilala kita."
Bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Trick, pati na ang mga sandaling nakasama ko siya. Magmula nang sumapi siya kay Burn, wala siyang ibang ginawa kundi manatili sa tabi ko at samahan ako sa kabila nang lagi kong pagtulak sa kanya palayo. Sinaktan ko siya pero ni minsan, hindi siya nagalit.
"Paborito kitang tao, Savanna. Sana huwag mo akong katakutan."
Sa gitna ng bangungot, lagi niyang napapagaan ang kalooban ko.
Umiling ako. "Hinding-hindi."
Napayakap ako sa kanya nang mahigpit. Si Burn man ang pisikal kong hawak, alam kong si Trick ang yakap ko. Si Burn man ang nakikita ko, alam kong si Trick ang kasama ko.
"Ayokong may mangyaring masama sa'yo," giit ko.
"Kung 'yan ang gusto mo," napapaos niyang tugon.
Makaraan ang ilang sandali, biglang bumukas ang pinto dahil sa pagdating ng isang customer. Mabilis akong bumitiw kay Trick at nakadungong lumabas, ganun din si Trick habang nakasunod sa akin.
Habang naglalakad pabalik sa mesa, bigla akong may nabangga. Muntik akong mabuwal sa kinatatayuan kung hindi lang dahil sa mabilis na alalay ni Trick sa akin.
"Sorry," sabay naming sambit ng lalakeng nabangga ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha ngunit bago ko pa masilayan nang tuluyan, mabilis siyang umalis.
"Ayos ka lang?" tanong ni Trick kaya tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad habang ang kamay niya ay nakahawak sa akin.
Pagdating sa mesa, nadatnan ko ang mga kasamahan naming patayo sa mga mesa at tila ba nagmamadali.
"Anong nangyayari?" Mabilis na tanong ni Trick.
"Maya called. She's in trouble," sagot namon ni Jimbo bagay na ikinabahala ko.
|End of 24 - Thank you|
Note: Sorry sa napakatagal na hindi paga-update. Medyo naligaw lang ng landas haha jk.
BINABASA MO ANG
Hunyango (Published under Bliss Books)
HorrorSampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awards Winner 2019 under Horror category)