Huminga ako nang malalim bago pumasok sa gate ng aming bahay. Hindi ko alam kung anong klaseng impyerno na naman ang madadanatnan ko kaya gaya nang lagi akong ginagagawa, inihanda ko ang sarili sa maaring mangyari... o sa maaring magawa ko sa sarili kong ama.
Napatingin ako sa aking mga paa; ang kaliwa ay may benda mula sa sakong hanggang sa bukong-bukong, samantalang ang kanan naman ay may benda sa talampakan dahil sa mga sugat na tinamo ko. Sa kalagayan kong ito, kaya ko pa namang maglakad ngunit mabagal nga lang. Mas lalong hindi ko kayang tumakbo.
Bigla na lang may kumalansing at kasunod nito ang pagbukas ng gate.
"Ate, pasok ka na. Natutulog si Mama sa loob, si Papa naman hindi pa umuuwi." Bungad sa akin ng nakababata kong kapatid. He's just two years younger than me but somehow, I feel like we're both at the same level of maturity. I guess that's what happens when you have a dead-beat asshole of a Father and a Submissive Mother; you grow up fast to fend for yourself.
They called me Lucky Savi for always meeting helpful strangers, little do they know, I was unlucky to have been born.
"Anong nangyari sa'yo?" Gulat niyang bulalas nang makita ang mga galos ko sa buong katawan, pati na sa mukha.
****
"Seryoso ka, Ate?!" Gulat na bulalas ni Eddie matapos kong i-kwento sa kanya ang mga nangyari... mga naalala kong nangyari.
"Shh!" giit ko sa takot na baka marinig kami ng mga tao sa baba. Mas pinili ko kasing magkwento sa kwarto para walang makarinig sa amin, mahirap na rin at baka biglang dumating si Papa.
Tinanggal ni Eddie ang makapal na salamin at hinilot ang tulay ng kanyang ilong. "So let me get this straight? Isi-sikreto lang ninyo ang nangyari sa Torryn Grove? Ate naman, may waiver kayo, hindi ba dapat--"
"They found traces of Rohypnol in our bodies!" Pabulong kong paalala sa kanya. "Do you know what kind of damage that would do to us? Eddie, mawawala ang scholarships namin, Sir Dalton could lose his job and benefits, siguro nga kick out kaming lahat." Paghihimutok ko habang nakaupo sa kama samantalang siya naman ay nakaupo sa sahig.
Napabuntong-hininga si Eddie at sinuot muli ang salamin. "Baka naman gumamit talaga kayo at hindi lang ninyo maalala?"
Nahigit ko ang hininga dahil pakiramdam ko'y inaakusahan ako ng sarili kong kapatid. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Why would I destroy my future with the same thing that destroyed our family?"
"That's not what I meant." Eddie countered quickly. He tried to pacify my building anger as he stood up and sat right beside me. "Ate, ikaw na mismo ang nagsabi. Kasama ninyo si Burn. What if he spiked your drinks or food? I mean, for crying out loud, that guy can even be classified as a psycho."
BINABASA MO ANG
Hunyango (Published under Bliss Books)
HorrorSampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awards Winner 2019 under Horror category)