28 : Consumed

46.7K 2.8K 3K
                                    

Note: Hello, just in case may hindi nakabasa ng announcement ko a few weeks ago, May idinagdag akong scenes sa chapter 21 noong ini-unpublish ko ang story na ito. Thank you <3

Chapter Theme: The light behind your eyes - My Chemical Romance

Chapter Theme: The light behind your eyes - My Chemical Romance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Savanna


"How'd you figure it out?" ngumisi si Kelsey.

"Scotty didn't see Kelsey's doppelganger... it was her ghost, trying to show us the truth," My voice came out hoarse. Sa sobrang panginginig ng aking kamay, nabitiwan ko ang rifle na naubusan ng bala.

Wala akong kwentang kaibigan. Ni hindi ko man lang namalayan na napalitan na ng isang halimaw si Kelsey. Nagpaloko ako sa mga salita niya. Nagpaloko ako sa mga kilos niya.

Dumako ang tingin ko kay Maya na naghihingalo habang nakahandusay sa lupa, hawak ang kanyang sikmura. Lalapitan ko sana si Maya ngunit bigla na lang inapakan ni Monica ang ulo niya.

"Pagalingin mo muna si Darius!" sigaw sa akin ni Kelsey... ni Monica na nasa katauhan ni Kelsey. 

"I already tried!" giit ko habang lumuluha.

"Then try again!" giit niya. "The mountain can't give us anything! The quicksand only works on a full moon with a sacrifice! Ikaw lang ang makakapagaling sa kanya ngayon!"

I wanted to tell her that it doesn't work that way. That I can't resurrect the dead. That I already tried saving him and failed miserably. But I didn't. Instead, I nodded and walked towards Darius and knelt right in front of him, making sure that I was still facing her direction.

"Y-you killed my friends... Why do you want to save him?" pilit kong tinatagan ang boses habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi ni Darius gamit ang nanginginig kong mga kamay.

"Because he loves me!" she said like the immature adolescent that she is. 

"And you love him?" I looked up at her and saw her in tears. For what it's worth, I guess she really loves Darius.

"Matapos pinainom si Darius ng likidong pampatulog ng isa sa mga sundalong nakahanap sa amin, pinatay ko ang sundalo. Tinangka kong manlaban at gumanti sa iba pa pero masyado pa akong mahina. Ginusto kong maghiganti pero wala pa akong lakas kaya nagtulog-tulugan ako at nagpanggap bilang Kelsey. Gusto ko lang naman na magpalakas pero nagustuhan ko ang buhay bilang si Kelsey." Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. "Hindi ako nakaranas ng normal na buhay dahil sa sakit ko. Laging nasa kwarto lang ako, nagbabasa o nag-iinternet nang patago, pero mula nang magpanggap akong si Kelsey, pakiramdam ko'y normal na ang buhay ko. Nawala nga ang pamilya ko pero sobra naman akong inalagaan ng mga magulang ni Kelsey, at kayo... minahal n'yo rin ako lalo na si Darius."

"Hindi umalis si Darius sa tabi ko at sobra niya akong minahal kaya inaral ko nang maigi ang pagiging si Kelsey. Nakita ko ang journal niya kaya mas naging madali at maswerteng halos pareho rin kami ng mga hilig. It was destiny, Savi. I was destined to take over her life," nakangiti niyang giit. "Sumaya ako sa pagiging si Kelsey kaya siniguro kong walang makakatuklas ng sikreto ko. Pinatay ko si Precious dahil ayokong maalala niya ang nangyari sa kumunoy at magkaroon siya ng ideya na hindi ako si Kelsey. Pinatay ko si Sir Dalton bilang ganti sa ginawa niya sa mga kasamahan ko. At si Jimbo... ang lecheng si Jimbo na pumatay sa kapatid ko."

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon