7 : New kind of Burn

55.3K 3.1K 4.4K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Pangako, babayaran kita agad," paniniguro ko kay Eddie matapos akong umutang sa kanya dahil naiwan sa Mt. Torryn ang wallet at iba ko pang kagamitan.

"100 peso interest per day," antok niyang biro at ngunguto-ngutong bumalik sa kanyang kama para matulog ulit. Palibhasa day off niya sa trabaho at sa gabi pa ang pasok niya sa university.

"Kaya mo ba talagang pumasok ngayon?" Pikit mata niyang tanong habang kinukumutan ang sarili.

"Yeah. I'm okay," paniniguro ko.

Walang uniform sa pinapasukan naming University kaya naman nagsuot ako ng black pullover para matago ang mga pasa at sugat na nakuha ko mula sa Mt. Torryn. May mga sugat din ako sa noo kaya sinuot ko ang Beanie ko. Mabuti na lang at rainy season ngayon kaya naman may excuse ako sa kasuotan ko.

Habang pababa ng hagdan, rinig ko ang kalansing ng mga kubyertos mula sa kusina. Wala akong balak mag-agahan lalo na't alam kong makakasabay ko lang si Papa at makikita ko siyang tinatrato na parang alila si Mama. 

Aalis na sana ako nang marinig ko si Mama na tumawag sa akin.

"Anna, hindi ka ba mag-aagahan?"

Lumingon ako at nakita kong may hawak pa siyang sandok.

Umiling ako. "I don't eat breakfast."

Tumango si Mama at marahang ngumiti. "Agahan mong umuwi mamaya. Nami-miss na kitang kasabay sa hapunan. Ingat ka sa school ha?"

Parang may kumurot sa puso ko. Para akong naiiyak na ewan kaya hinigit ko ang hininga para tatagan ang sarili.

"Ano ba! Asan na ang kape ko?!" Narinig ko ang sigaw ni Papa mula sa kusina kaya mabilis na napalingon si Mama sa direksyon nito.

"Sandali lang!" Gaya ng dati, napakalambing pa rin ng tono ng pananalita ni Mama kay Papa kahit sobrang sama na ng pakikitungo nito sa kanya.

"Medyo masakit ang ulo ng Papa mo ngayon kaya medyo bugnutin," Mama joked. As usual, she's trying not to make a big deal out his behavior by coming up with the lamest excuses. Ganyan ba talaga niya kamahal si Papa at nagbubulag-bulagan na siya kahit sobrang mali na? If this is what you call love, then count me out. I'd rather love myself than anyone else.

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon