CHAPTER THREE

1.2K 46 20
                                    

GEEZ! Isang linggo na simula nang ma-sprain ang ankle ko. Dahil doon, isang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa school. Ayaw ko mang um-absent agad dahil kauumpisa pa lang ng sem, pero no choice ako. Hindi ko kasi talaga kayang ihakbang ang paa ko.

Last week, pagkatapos ng mga klase namin, napilit pa rin ako ni Kuya Blizzard na patingnan ang paa ko. Sobra kasi siyang na-bother nang makitang nahihirapan talaga akong maglakad. It seems that, na-sprain nga raw ang right ankle ko at namamaga na iyon, according to the doctor. Binigyan naman ako ng gamot na iinumin at binilinan na wala raw munang strenous activites. Kaya naman halos isang linggo rin akong nasa bahay lang. Pero at least, nawala na ang pamamaga.

Sa ngayon, medyo nararamdaman ko pa rin ang pangingirot niyon. Pero pinilit ko sina Daddy at Kuya para payagan na akong pumasok. I can't stand another absent. For sure, sobrang dami ko ng kailangan habulin na lessons.

Nakasimangot ako habang nahihirapan pa ring maglakad papasok sa CAS Building. Inihatid ako ni Kuya Blizzard hanggang sa entrance niyon. Gusto pa nga niya akong samahan hanggang sa classroom, pero pinaalis ko na siya. Ayaw ko naman na ma-late siya dahil sa akin.

Hesitant pa si Kuya na iwan ako noong una, pero itinaboy ko na siya. Kaya iyon, tiningnan niya lang ako nang masama na tinawanan ko lang naman. Bago tuluyang umalis, nakailang paalala pa siya sa akin.

Malapit na ako sa classroom nang matigilan ako sa paglalakad. Makakasalubong ko kasi ang taong may kasalanan kung bakit ilang araw akong hindi nakapasok at kung bakit masakit pa ang paa ko ngayon.

Oopps, hindi niya nga pala totally kasalanan. I was to blame, too.

Juan GDL...

Apologetic ang tinging ibinibigay niya sa akin. Mukhang nakita niya na nahihirapan pa rin ako sa paglalakad. Nagulat pa ako nang ma-realize na nasa harap ko na pala siya. At unti-unti, mas lumapit pa siya sa akin.

"A-ah, I'm so sorry talaga." Iyon lang ang nasabi ni Juan GDL.

Tipid akong ngumiti para ipakita na okay lang. Na hindi ko naman siya sinisisi. Kahit naman medyo ayaw ko sa may mga kinalaman sa basketball ngayon, hindi naman ako ganoon kamaldita para isisi ang lahat sa kanya. I don't want him to feel the burden and the guilt. Wala namang may gusto ng nangyari. Saka, iyon nga, hindi naman niya totally kasalanan. Mas kasalanan ko pa nga yata na nagkabanggaan kami. Sobrang bilis din kasi ng paglalakad ko at hindi na tumitingin sa dinadaanan ko.

"It's okay. You're not the one to blame. Besides, hindi mo naman pinlanong banggain ako, 'di ba?" sabi ko.

"Of course not. But still..." Huminga siya nang malalim. "Napa-check mo na ba 'yang paa mo? If you want, I can go with you—"

"Okay na. Nakapag-check up na ako. Na-sprain lang 'yong right ankle ko. Niresetahan naman na ako ng doktor ng mga gamot," sagot ko.

Okay? Why am I explaining to him?

"You sure you're okay? Sorry talaga," sabi ni Juan.

Sasagot pa sana ako nang may boses na nakisingit sa amin mula sa likuran ko.

"Bakit ka nagso-sorry sa kanya?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Unti-unti, tumingin ako sa likuran.

"Kuya! What are you doing here? I thought you're in your class already."

Yep, that was Kuya Blizzard. And yes, kunot na kunot na naman ang noo niya. Totoo iyong sinabi ni Kuya Xander. Parang laging aburido sa buhay si Kuya Blizzard. But nevertheless, he's the best brother in the world for me.

"Naiwan mo 'yong libro mo. Hindi ko agad napansin na nasa akin pa pala. Napahalo sa libro ko na hawak ko rin," sagot ni Kuya sa tanong ko bago muling bumaling kay Juan. "Bakit ka nagso-sorry sa kapatid ko?"

GDL 1: Better With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon