ILANG minuto ng tapos ang interview ng GDL bro's sa talk show na iyon pero nakatitig pa rin ako sa TV screen.
Those words...
Ayaw mag-sink in, pero bakit paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko? Ang daming tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin.
Siyempre, hindi mo alam kung paano sasagutin dahil si Juan Gomez de Liaño lang ang makakasagot sa mga tanong mo.
Patuloy pa rin akong nakatulala sa harap ng TV nang marinig ko ang tunog ng notif sa phone ko. Kinuha ko iyon para makalma na rin sana.
Pero... unti-unti na namang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung para saan ang notif na iyon.
Juan Gomez de Liaño add you as friend
Oh, my! What to do? He freaking add me on Facebook!
Hindi pa ako nakakapag-isip kung ano ang gagawin nang tumunog na naman ang notif sa phone ko. Kinakabahan na ako sa kung ano na naman ang puwede kong makita.
Pero dahil my curiousity always kills me, tiningnan ko pa rin ang phone ko. At nag-freak out na talaga ako nang makita ang message na natanggap ko.
Juan Gomez de Liaño: Hi. Did you just waved at me a while ago?
Shoot! What am I gonna do? Magre-reply ba ako? What?
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa simpleng message na iyon. He's just Juan GDL, pero bakit ganoon ang epekto niya sa akin?
At hindi ko maintindihan kung bakit inuulan yata ako ng kamalasan nang oras na iyon. Hindi sinasadyang na-click ko ang message ni Juan. Na-seen ko na tuloy iyon nang hindi pa alam kung ano ang gagawin.
And... I heard another notif coming from my phone.
Juan Gomez de Liaño: Seen lang? 💔
Kahit medyo kinakabahan, hindi ko maiwasang matawa sa emoticon na isinend ni Juan. Akalain mong maalam pala siyang gumamit ng mga ganoon?
Hindi nag-iisip akong nag-reply. Nang mai-send ko na, saka ko na-realize na isa na namang katangahan ang nagawa ko.
Mystery Montenegro: Crush mo ako?
Napa-face palm talaga ako nang makitang nabasa na iyon ni Juan. Nagta-type na rin siya ng reply.
Juan Gomez de Liaño: So, you watched us?
I had seen that message, pero hindi ako nag-reply. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tinubuan ako ng hiya!
What if magkasalubong kami ng Juan GDL na iyon sa university? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya?
Juan Gomez de Liaño: Yes, may gusto ako sa 'yo. There's no sense denying it now.
Grabe! Bakit parang napaka-straightforward naman yata nitong Juan na ito?
Aba, tama naman siya. Walang sense kung itatanggi pa niya samantalang narinig mo na nga. On national television pa!
Juan Gomez de Liaño: Ayaw kong thru social media lang umamin. Can we go out?
Napataas na ang kilay ko dahil doon. Unti-unti na ring nawawala ang hiyang naramdaman ko kanina.
Mystery Montenegro: Go out agad? Paano mo akong naging crush?
Juan Gomez de Liaño: Haha! Baka makakalusot, eh. Ayaw ko ngang dito sabihin. I want to talk to you personally.
Juan Gomez de Liaño: Ayaw mo bang malaman kung paano kitang naging crush?
BINABASA MO ANG
GDL 1: Better With You (Completed)
FanfictionMystery needed to transfer to another school to mend her broken heart. At dahil kagagaling lang sa heart break, wala sa plano niya ang ma-involve sa mga lalaki. Gusto muna niyang maiayos ang sarili. But then she met Juan, the guy who persistently ma...