A/N: Kung fan kayo ng Game Of Thrones at di n'yo pa napapanood ang final episode, skip n'yo na lang muna ang chapter na ito. This chapter contains GOT spoilers.
Enjoy reading! 😘
--
"NICE shot, super star," panggagaya ko sa linya sa commercial ni Jordan Clarkson, isang NBA player na may dugong Pinoy.
Sinimangutan naman ako ni Juan dahil doon. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa nang mahina. Well, hindi kami puwedeng mag-ingay nang todo dahil kasalukuyan kaming nasa library.
Nagulat pa nga ako nang makatanggap ng message galing kay Juan. Tinatanong niya kung nasaan ako. Alam niya kasi na tatlong oras ang vacant ko kapag Wednesday. Kaya naman sinabi ko na nandito ako. Nagre-review kasi ako dahil may quiz kami sa susunod kong subject, ang Industrial Psych.
Mayamaya pa, sumulpot na si Juan sa tabi ko. Katatapos lang daw ng practice niya at may isang oras pa rin siyang vacant. In all fairness sa kanya, ang galing niyang maghanap. Sa laki ng library, nakita niya agad ako.
"Favorite mo na ang line na 'yan?" nakasimangot niyang tanong habang nagbubuklat sa librong hawak niya. Actually, inagaw niya iyon sa akin. Tatanungin niya raw ako para paghahanda sa quiz ko mamaya.
"Oo. Bakit? May problema ka doon?" taas-kilay kong tanong.
"Wala. Para namang puwede kitang kontrahin diyan sa kaligayahan mo," walang magawang sagot niya.
"Good," may ngiti ng tagumpay kong sabi.
Mula kasi nang mangyari ang winning shot niya noong opening game nila, paulit-ulit ko na iyong sinasabi kapag magkasama kami. Asar-talo si Juan kapag sinasabi ko iyon. Sisimangot lang siya, pero hindi naman nagagalit. Ha! Ganoon ako kalakas sa kanya. Sinasakyan niya lahat ng ma-trip-an ko.
Speaking of that opening game... May itatanong nga pala ako kay Juan, pero lagi kong nakakalimutan. Ilang linggo na ang dumaan, eh, pero hindi ko pa rin naitatanong.
"May tanong nga pala ako," sabi ko.
"What?"
"Noong araw ng opening game n'yo... Bakit nga pala sa halip na mag-book ka na lang ng grab, mas pinili mo pa ang makipagsiksikan sa jeep? Not that I'm complaining about that jeepney ride. Napaisip lang ako. Afford mo naman mag-grab. Mas kumportable pa doon, 'di ba?" sabi ko.
"Seriously, Mystery? Ngayon mo lang itatanong 'yan? Ilang linggo na ang dumaan, ah," parang amuse na tanong ni Juan.
"Eh, nalilimutan kong itanong, eh. Bakit ba? So... bakit nga?" pangungulit ko.
Iiling-iling siyang tumitig sa akin bago sumagot. "Well, gusto ko rin naman kasing ma-experience kung paano mag-commute sa jeep. Nakita ko ang pagkakataon na 'yon kaya iginrab ko na ang oppurtunity. Saka..." Ilang sandali siyang tumigil.
"Saka?" kunot-noo kong tanong.
"Naalala ko 'yong sinabi mo one time. You're wondering kung ano ang pakiramdam na maprotektahan habang sakay sa siksikang pampasaherong jeep. I hope naiparamdam ko 'yon sa 'yo that time," sabi niya.
Pagkatapos iyong sabihin ni Juan, napatitig na lang ako sa kanya. Parang biglang nawala sa isip ko lahat ng ni-review ko. Parang may mainit na bagay na dumaan sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya na lalong naghatid ng kilig sa akin.
Tanging si Juan lang ang nakakapaghatid ng ganoong emosyon at kilig sa sistema ko. Kapag hindi pa siguro siya tumigil sa effortless niyang pagpapakilig, delikado na talaga ang lagay ng puso ko.
BINABASA MO ANG
GDL 1: Better With You (Completed)
FanfictionMystery needed to transfer to another school to mend her broken heart. At dahil kagagaling lang sa heart break, wala sa plano niya ang ma-involve sa mga lalaki. Gusto muna niyang maiayos ang sarili. But then she met Juan, the guy who persistently ma...