CHAPTER SIX

869 43 17
                                    

MAG-ISA akong nag-iikot ngayon sa mall. Mabuti na lang at maaga kaming idinismiss ng prof namin. May kailangan kasi akong bilhing libro para sa subject naming Clinical Psych. Kaya from St. Paul, dumeretso na ako dito.

I'm in my third year taking up BS Psychology kaya karamihan sa mga subjects ko ngayon, puro major na. Mabuti nga at na-credit ang lahat ng subjects na nakuha ko sa dati kong school, lalo na iyong mga minor subjects. Minsan kasi, kung alin pa iyong minor, iyon pa ang pahirap at masakit sa ulo.

Kung ang iba kong mga kaklase ay dumedepende na lang sa internet para sa mga reference materials, ako naman, bumibili talaga ng libro. Para sa akin, mas okay pa rin iyon. Mas nakakapag-aral ako kapag libro talaga ang hawak ko.

I've always want to take Psych as my course. Noon, I had just my personal reason kung bakit Psychology ang kukunin kong course. Pero first sem pa lang ng first year noon, nadagdagan na ang mga dahilan ko para ipagpatuloy at mahalin ang Psych.

It was always a wonder to studied human behavior. People were complicated at times and so as their behavior.

Katulad ng sinabi ko, I learned to love Psychology. Taking up that course, nagkaroon ako ng bigger understanding to those people na dati, hindi ko maintindihan. Natuto rin akong piliin at isipin muna nang mabuti kung ano ang mga dapat sabihin lalo na when it concerns other people. Because in Psychology, confidentiality is a must.

After buying the book that I need, I decided to eat. Nagutom ako sa pag-ikot sa mall.

Unlike other people na hindi kumportable na kumain sa mall nang nag-iisa, ako naman, super sanay na. Mula kasi nang mag-migrate sina Dixie sa Australia, natuto na akong mag-mall mag-isa. Minsan, sinasamahan ako nina Kuya, pero madalas ako lang talaga.

Speaking of Dixie, dapat kasama ko siya ngayon, pero may mga kailangan pa siyang asikasuhin sa pag-transfer sa St. Paul. Ang baliw niya kasi, eh. Uuwi rin lang pala at dito mag-aaral, hindi pa umuwi nang mas maaga. Nahihirapan tuloy siyang mag-asikaso dahil ilang linggo na since nag-start ang sem.

Bago pumunta ng mall, I texted Kuya Blizzard na may kailangan lang akong bilhin. Paranoid kasi lagi siya. Tinanong niya ako kung kasama ko raw ba si Dixie. When I tell him na hindi, bakit daw hindi ako nagpasama.

Ghaaad! His protectiveness was killing me.

Pero bago kumain, napadaan pa ako sa isang stall para tumingin ng mga damit. Ubos na rin ang gamit kong perfume, so I decided to check kung mayroon doon.

Habang naglalakad, naramdaman ko ang pagba-vibrate ng phone ko. Hindi ko iyon pinansin. For sure, that was only Kuya Blizzard who was pestering me. Pero naulit ang pag-vibrate.

Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang phone ko. Pero nagulat ako nang mabasa ang messages na natanggap ko.

Juan Gomez de Liaño: You've just seen my message the last time. I'm hurt. 💔

Juan Gomez de Liaño: Grabe! Ngayon, kahit seen, wala. Are you avoiding me?

Napataas ang kilay ko. Hayun na naman ang broken heart niyang emoticon. Nag-isip muna ako ng sasabihin saka nag-reply.

Mystery Montenegro: No. Why should I?

After that, ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Finally, nasa store na ako na pupuntahan ko. Nagtingin ako ng mga damit and other stuffs. I was still holding my phone when it vibrated.

Juan Gomez de Liaño: Sure? So, can we talk now?

Grabe! Bakit ba parang ipinaglihi ang lalaking ito sa kakulitan? At bakit ba sobrang persistent niya sa pangungulit na mag-usap kami?

GDL 1: Better With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon