CHAPTER TWENTY-EIGHT

511 35 14
                                    

HINDI pa man natatapos sa pagkanta ang Rocksteddy, may humila na sa akin paalis sa backstage. Hindi na ako nagulat doon. Knowing Juan, in-expect ko na, na matutulala lang siya saglit, pero makakabawi rin agad.

At tama nga ako. Dahil ito na nga, hawak niya ang kamay ko, palayo sa mga nanunuksong mga tao sa backstage.

"Saan tayo pupunta?" kalmadong tanong ko. Pero sa loob-loob ko, parang may mga kabayo ng nagkakarera dahil sa kabang nararamdaman ko.

Hindi siya sumagot, tuloy lang ang lakad niya. Nagbikit-balikat na lang ako at nagpatangay sa kung saan man niya ako dadalhin.

Napatingin ako sa magkahawak pa rin naming mga kamay saka unti-unting napangiti. It felt really nice. Hawak pa lang ni Juan sa kamay ko, feeling ko, sobrang secured na ako. Na walang mangyayaring masama sa akin as long as he was holding me.

Mayamaya pa, tumigil kami sa loob ng gym. Hindi ko namalayan na dito pala kami nakarating. Walang ibang tao maliban sa aming dalawa. Well, halos lahat naman ng tao ay nasa open field o sa mga booths na nagkalat sa buong campus.

Iyong videoke booth naman ng men's basketball team, pansamantala nilang isinara para suportahan daw si Juan. Nalaman kasi nila ang balak ko dahil sa kadaldalan ni Javi. Siyempre, si Juan lang ang nanatiling clueless bago magsimula ang event.

Iniharap ako ni Juan sa kanya. Binitawan na niya ang kamay ko. Dahil doon, I suddenly felt empty. Pero saglit lang iyon. Dahil nang magtama ang mga mata namin, there's this emotion I couldn't even name.

Iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Happiness? Contentment? Love? I don't know. Pero dahil doon, parang pati ang dibdib ko, sasabog na sa mga emosyon niyang iyon.

Ikinulong niya ang mukha ko sa magkabila niyang palad habang masuyo pa ring nakatingin sa akin. Nakita ko pa ang bahagya niyang paglunok.

"W-when... H-how..."

First time kong nakita at narinig na mabulol ang isang Juan GDL. He was always confident and composed. Kung ibang pagkakataon lang sana ito, baka tinawanan ko na siya. But this was different.

"I m-mean, b-back there earlier, sinabi sa akin nina Javi na idea mo 'yong OPM Band night na event n-ngayong gabi. Noong una, ayaw kong maniwala. But then, when I heard what Teddy said--"

"I love you," putol ko sa sasabihin pa sana niya. And I confidently said it.

Inalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko. Pakiramdam ko kasi, parang kakapusin ako ng hininga. Pero hindi ko naman iyon totally pinakawalan. I hold his hand and I find peace with it.

Alam ninyo iyong pakiramdam na may nagawa kang tama sa buhay mo? Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Sa wakas, nasabi ko na rin kay Juan na mahal ko siya. Hindi na lang sa sarili ko ako nagpapakatotoo. And I feel like I'm finally free.

"I don't know exactly when. Siguro noong sinamahan mo ako sa ampunan? O kaya nang una pa lang kitang mapansin nang magkabanggaan tayo? Hindi ko rin alam kung paano. Basta naramdaman ko na lang. But that's the thing with love, right? You just felt it. Hindi ko rin alam kung bakit. Kasi, kapag nagmahal ka naman, hindi ka na naghahanap pa ng dahilan. You just love. Because love itself? It is really unexplainable," sabi ko.

Speechless pa rin si Juan. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon. I'm not much of a talker, pero sa mga ganitong pagkakataon, I know I need to do this. For my happiness. For our happiness.

"I know, its a very bold move. I mean, that message that I relay to Teddy. Sa totoo lang, pinaplano ko pa lang ang lahat, kinakabahan na ako. Ang dami kong what if's na naiisip. But then again, nawawala ang mga what if's na 'yon tuwing ipinaparamdam mo sa akin kung gaano mo ako kamahal. With all the things that you've done to me, I know that you deserve more than enough.

"Don't get me wrong. Hindi ko ginawa ito para magpasikat o para tumbasan lahat ng nagawa mo para sa akin. I did that to show my love... in a way na maipapakita ko sa 'yo at sa ibang tao kung gaano kita naa-appreciate at kung gaano ako kasuwerte sa 'yo."

May sasabihin pa sana ako, pero hindi ko na naituloy dahil kinabig na ako ni Juan at niyakap nang mahigpit.

"Thank you, thank you. God, I love you so much, Kwyn Mystery Montenegro," sabi niya.

Umalis ako sa pagkakayakap niya. Tiningnan ko siya nang buong suyo. "And I love you, too, Juan Gerardo Gomez de Liaño," nakangiting sabi ko.

And that sums up our night.

--

"SO... TAYO na ba?"

Napalingon ako kay Juan. He's back at his usual self. He was grinning while looking at me.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng administration building. Mula dito ay naririnig pa rin namin ang mga bandang tumutugtog sa open field. Kasalukuyang nagpe-perform ang Hale.

Kunwari akong umirap sa kanya. "Pagkatapos ng confession ko, what do you think?"

"Siyempre, gusto ko pa ring marinig na nanggaling sa 'yo mismo," sagot niya na hindi pa rin nawawala ang ngiti.

"Hay naku!" Pilya kong kinudlit ang pisngi niya. "Oo na, tayo na, Juan Gerardo," natatawa kong sabi.

Nawala naman ang ngiti niya, napalitan iyon ng simangot. "Wag mo na kasing buuin ang pangalan ko."

"May reklamo ka?" taas-kilay kong tanong, pero nakangisi pa rin.

"Under na under talaga ako sa 'yo, eh, 'no?" naiiling niyang sabi.

"Ha! Di kaya. Besides, ang cute kaya ng Juan Gerardo," sabi ko pa.

"Hay, oo na nga lang," sabi naman niya.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Juan habang ipinaikot naman niya ang braso niya sa likod ko. His warmth enveloped not just on my body but also to my heart.

"On a serious note, I just want our relationship a fruitful one," sabi ko. "I mean, walang under-under, pero nandito tayo para suportahan ang isa't isa. At the same time, hindi mawawala ang individual self natin. Walang magbabago bukod sa mahal natin ang isa't isa."

"Yeah. I must agree. But I'm warning you, baby, possessive at clingy ako. Di ko maipapangako na di magbabago 'yon lalo na ngayon at akin ka na talaga," sabi ni Juan.

"Okay lang naman sa akin kung possessive at clingy ang isang tao, as long as di sobra." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "What's with the baby endearment? Nagbago lang ang status natin, nagbago na rin ang tawag mo sa akin?"

"Sabi kasi ng source ko, baby daw ang endearment na gusto mo kapag nag-boyfriend ka," sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Sino ba talaga 'yang source mo na 'yan? Can I know? Besides, tayo naman na."

Nakangisi niya akong tiningnan. "Secret! Itatanong ko muna kung puwede ko ng i-reveal ang identity niya.

Inirapan ko siya. "Hay naku!"

Natatawa niya uli akong kinabig at niyakap.

"Thank you for trusting me with your heart. I don't want to promise you anything. I will just love you with all my heart. I love you, baby," seryoso na niyang sabi.

"Thank you, too, for coming into my life. For making me happy. I'm always better when I'm with you. I love, you," sagot ko habang nakayakap sa kanya.

--

Hola! A little update! Anyone who can guess kung sino 'yong source ni Juan? Haha!

Happy reading! 😊

GDL 1: Better With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon