“HUWAG!”
Humihingal akong napabalikwas. Mabilis naman akong nilapitan nina Kuya Blizzard at Dixie.
Mabilis kong inikot ang paningin ko. “Nasaan ako? Si Juan! Nasaan si Juan?” may panic sa boses na tanong ko.
“Calm down, Mystery,” sabi ni Kuya. “We’re in a hospital. How are you feeling? May masakit ba sa 'yo?” tanong pa niya.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Kuya. “Si Juan. Nasaan si Juan?” tanong ko ulit.
I need to see him! Kailangan kong masiguro na okay lang siya. Those guys… They beat him to death!
“Babe, kalma ka lang. Nasa kabilang kuwarto si Juan. And he’s okay, don’t worry,” sabi naman ni Dixie bago bumaling kay Kuya. “Tatawag lang ako ng doktor, Kuya, just to make sure na okay na si Myst.”
Nakita ko ang pagtango ni Kuya. Ilang sandali pa at lumabas na ng kuwarto si Dixie.
Muli akong tumingin sa kapatid ko. Nasa mga mata ko ang pagmamakaawa. “Kuya, okay lang naman ako. Please, samahan mo ako sa kuwarto ni Juan. Kailangan ko siyang makita. Okay lang ba talaga siya? Oh, God! Please, tell me that he’s okay.”
Nagsimula na naman akong umiyak. Muli na namang bumalik sa isip ko ang mga nangyari. Si Juan… I know that he was hurt… because of me.
Nilapitan at niyakap naman ako ni Kuya nang magsimula akong manginig habang umiiyak pa rin. Hindi na kasi maalis sa isip ko ang hitsura ni Juan habang walang laban siyang sinasaktan ng mga hayup na iyon.
“Sshh… Don’t worry, Juan’s fine. Kailangan lang niyang magpahinga at pagalingin ang mga sugat na nakuha niya,” sagot ni Kuya.
Kahit na in-assure niya ako na okay lang si Juan, hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. Ayaw ring tumigil sa panginginig ang katawan ko.
“Sigurado ka, Kuya? He’s fine? Hindi mo ako niloloko lang?” tanong ko bago umalis sa pagkakayakap niya. Tiningnan ko siya sa mga mata. I want to know if he’s telling the truth.
Umiling si Kuya. “No. Bakit naman kita lolokohin?” Bumuntong-hininga siya. “Kasama ni Juan sa kabilang kuwarto ang pamilya niya. And I’m assuring you that he’s okay. Now, will you please calm down? Gusto kong masiguro na okay ka lang din. Wala bang masakit sa 'yo? Okay lang ba ang pakiramdam mo?”
Ramdam ko ang pag-aalala sa tono niya kaya naman pinilit kong kumalma. Ayoko naman na mas mag-alala pa ang kapatid ko.
Huminga ako nang malalim. “Okay lang ako, Kuya. Bukod sa panlalambot na nararamdaman ko, okay na ako,” sagot ko. “Tubig… Pahingi na lang ako ng tubig, Kuya,” dagdag ko pa.
Mabilis naman siyang lumapit sa bedside table at ikinuha ako ng tubig.
“Thanks, Kuya,” tipid ang ngiting sabi ko matapos uminom.
Umupo siya sa gilid ng kama. Bumuntong-hininga ulit siya bago nagtanong. “What really happened, Mystery?”
Dahil sa tanong ni Kuya, bumalik na naman sa alaala ko ang mga nangyari. Muli na naman akong nakaramdam ng pagpa-panic. Napansin naman yata niya iyon kaya hinawakan niya ako.
“It’s okay. You’re safe already. Hindi ko hahayaan na may manakit sa 'yo,” sabi ni Kuya.
Sa paputol-putol na salita, ikinuwento ko kung ano ba talaga ang nangyari. Kung paano kami hinarang ng grupo nina Brent at kung paano nila pinagkaisahan si Juan. Umiiyak ko iyong ikinuwento.
Kasalanan ko ang lahat kung bakit nasaktan nang ganoon si Juan. Hindi siya makalaban kahit kaya naman niya dahil sa akin. Mas pinili niyang masaktan para sa safety ko.
BINABASA MO ANG
GDL 1: Better With You (Completed)
FanfictionMystery needed to transfer to another school to mend her broken heart. At dahil kagagaling lang sa heart break, wala sa plano niya ang ma-involve sa mga lalaki. Gusto muna niyang maiayos ang sarili. But then she met Juan, the guy who persistently ma...