2

7 1 0
                                    

"What took you so long?",agad kong tanong kay Floyd

"Ahh nagpasama kasi si Kydd sakin sa library",sagot nito

"Okay, tara na gutom na 'ko e",pag aaya ko sa kaniya saka nauna ng maglakad

"Aaahhh kasi ano e-"

Muli akong humarap sa kaniya.

"What?"

"I-I can't go with you, hinihintay kasi ako ni Kydd sa library ahh iniwan ko lang siya sandali para sana magpaalam sayo",paliwanag niya

"Anong silbe ng cellphone mo Floyd?",poker face na tanong ko

"W-wala kasi akong load e, sorry na bespren!"

May kung ano nanamang kumirot sa puso ko ng marinig ko ang salitang 'bespren'. Oo nga pala we're friends. Hindi na ata hihigit doon ang turingan namin.

I sighed,"Okay!"

"Babawi ako bukas Avery, promise ko 'yan sayo! Iloveyou bespren!"

Saglit akong natigilan. Lagi naman niya 'kong sinasabihan ng Iloveyou pero iba na kasi ngayon e, para bang hindi ko mapigilan ang sarili ko na lalo pang mahulog sa kaniya at umasa.

Hindi na ako sumagot at naglakad nalang papuntang canteen, naiinis ako sa kaniya. Umaasa akong magbabago ang isip niya at hahabulin niya ako, pero hindi. Bahagya ko siyang nilingon, nakalayo na pala siya. I sighed. Nakakadismaya at nakakawalang gana.

"Ate Avery!",napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sakin

"Oww hi Alistair!" nakangiti kong binati si Alistair

"Ate magkakaroon kasi ng quiz bukas sa math subject namin e!"

"Ahh magpapaturo ka? Sige pero samahan mo muna ako sa canteen para bumili ng pagkain, gutom na kasi ako eh!"

"Ahh sige ate tara!"

***

Nilibot ko ang tingin sa buong library. There I saw with Kydd on his right side and... Rischosiah on his left side. Napailing-iling ako, bakit kasama niya si Rischosiah? Hindi ko na lamang sila pinansin.


"Wala na atang bakante ate"nagaalinlangang sabi ni Alistair


Naghanap ako ng mauupuan, may apat pang bakante sa may gilid ng inuupuan nina Floyd. Dun nalang kami naupo, hindi ko din alam kung nakita ba ako ni Floyd. Bahala siya, nagsinungaling na naman siya sakin.


After 15 minutes lumabas na kami ni Alistair ng library, hindi ko na inalam kung nakaalis naba sila Floyd. Naiinis ako sa kaniya, natuto na siyang magsinungaling sakin tss.

Paglabas ng pintuan tinawag ako ni Alistair.

"Ate! Si kuya Floyd oh!" sabi niya saka itinuro si Floyd na kasama pa din sila Rischosiah at Kydd na nasa unahan lang pala namin mukhang kalalabas lang din nila ng library

"Kuya Floyd!" pagtawag ni Alistair

Lumingon naman ito kay Alistair,"Oww hi bunso!" nakangiti niyang bati kay Ali

Lumingon siya sa tabi ni Ali. Sa akin. Unti-unting nawala ang ngit niyang malapad.

"A-avery bespren!" tss may pautal-utal pa

Hindi ko siya pinansin.

"Ali, mauuna na 'ko ha? Kita nalang tayo sa library mamayang lunch!" nagpaalam na ako kay Ali saka ginulo ang buhok niya

Inilagay ko sa bulsa ng jogging pants na suot ko ang mga kamay ko. Saka ako naglakad, sinadya kong dumaan sa pagitan nina Siah at Floyd. Bahagya silang napaatras pero hindi ko na pinansin. Tss bahala sila magsama sila.

It Wasn't YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon