4

2 1 0
                                    

Matapos ang nangyaring pag uusap kanina sa Music room ay inutusan ako ni Sir Alfaro na i-tour ang bagong estudyante. Masyado pa namang maaga kaya sumunod nalang ako bumalik naman si sir sa Faculty room dahil madami daw siyang aayusin.

"I'm Funk, Funk Arevalo" nakangiting pagpapakilala niya

"I'm Avery Valencia" i smiled at him

Naglakad-lakad kami, bawat madaanan namin pinapaliwanag ko sa kaniya kung para saan iyon at kung ano-ano pa. Naupo kami sa bench sa may field sa lilim na bahagi nito.

"Bakit ka pala lumipat?" I asked him tumingin ako sa kaniya pero nakatingin lang siya ng diretso na para bang walang narinig

"I'm sorry you don't need to answer it I'm just... I'm just curios"

He looked at me then he smile.

"It's okay, I just want a new environment. And madalas akong mapagkamalang bakla sa Beethoven High dahil masyado daw akong tahimik at kadalasang babae ang kasama ko" bahagya siyang tumawa, "Ayaw ko lang talaga na makipagkaibigan sa mga kapwa ko lalaki" nakangiting sabi niya

Tumango-tango ako. "I think we should go, 30 minutes nalang din naman at magsisimula na ang first period" tumayo na ako sumunod naman siya

"Kaya pala hindi mo 'ko hinintay!" gulat akong napatingin sa likod

Si Floyd. Kasama na naman si Rischosiah. At si Kydd.

"Funk, tara na madaming nagkalat na sinungaling sa tabi-tabi baka mahawa ka!" baling ko kay Funk

I saw him smirked.

"Avery, are you mad?" tanong ni Floyd

"Funk let's  go!"

Hinatak ko na si Funk papalayo sa kanila. Naiinis lang ako lalo kay Floyd lalo na kasama niya si Rischosiah.

"Sino siya?"

"Wala, hindi siya mahalaga!" masungit na sabi ko

"Kung hindi bakit ganyan ka maka react? Lalo na nung nakita mong may kasama siyang babae. Ganun ba talaga mag react kung hindi mahalaga?" makahulugang sabi niya

"Tigil-tigilan mo 'ko Funk, baka iuntog kita kay Floyd nagyon din!"

"Cute!" nakangiting sabi niya

"Cute ka diyan! Heh!" lalo lang akong naiinis

"HAHAHAHA" humagalpak na ng tawa ang mokong sarap hambalusin ng tabo at inodoro kainis

***

Ewan ko pero parang tuwang-tuwa itong si sir Alfaro saming dalawa nitong si Funk na 'to. Ang daming kaechosan ni Sir eh. Una pinagtabi kami ng upuan, at sinabi pang sa kahit anong subject kailangan kami ang magkatabi. Yung project naming individual, ginawang by fair at syempre kami na naman nitong si Funk ang pinagpares.

Eto namang mokong parang tuwang-tuwa pa ni hindi manlang tumutol sa kauratan ng teacher naming silahis, samantalang yung grupo ng maaarte na kampon ni Rischosiah ang sama-sama ng tingin sakin. Sarap tusukin ng ballpen at lapis yung mga mata nila. Akala siguro nila magaganda sila, pulang-pula yung labi at ang kakapal ng make up. Kulang nalang kainin nila yung cosmetic shop e.

Mukha namang mga igorot, pag ako nainis babambohin ko 'tong mga 'to e!

"Kanina pa parang ang init-init ng ulo mo!" sita sakin ni Funk

Inirapan ko nga ang tsonggo.

"Heh! Don't talk to me!" sigaw ko sa kaniya kahit may teacher na
nagtuturo sa harap kaya naman lahat sila napatingin sakin

Nag-peace sign nalang ako saka bahagyang ngumiti. Tatawa-tawa naman sa gilid ko itong tsonggo.

BAD TRIP AKO NGAYONG ARAW.

It Wasn't YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon