6

1 1 0
                                    

"Baby, nakilala mo na pala ang anak ni nanay Marie mo" sabi ni mama sa hapagkainan narinig ko namang bahagyang natawa si Funk

Tinignan ko siya ng masama saka tinutok sa kaniya yung tinidor na hawak ko.

"Ma, I'm not a kid anymore stop calling me baby or sweetheart!" inis na sabi ko

"Cute kaya!" rinig kong bulong ni Funk na nasa tabi ko

"Cute mo mukha mo kanina pa ako naiirita sayo alam mo ba yun? Kapag talaga wala si nanay Marie talagang ihahampas ko sayo yung magic walis niya saka kita wawalisin palabas ng bahay na 'to!"

"Hindi mo magagawa yun sa poging si Funk kaya bleeh!" parang batang sabi niya

"Eh kung ngayon ko kaya gawin ha?!"

"BABY wag ka namang ganyan madudungisan ang gwapo kong mukha kapag ginawa mo yun e!" at talagang in-emphasized pa yung salitang baby

Binatukan ko nga.

"Mukhang close na kayo ah?"

Pareho kaming napalingon kay mama, silang tatlo nila daddy at nanay Marie ay nakatingin saming dalawa habang nakangiti ng malapad

"HINDI NOH!/GANUN NA NGA PO!" halos sabay naming sabi ni tsonggo

Tinignan ko naman siya ng masama at ang siraulo nakangisi pa.

Nakatambay ako sa sala dahil doon ko trip na mag review si mokong naman nandito din at nanghihiram ng mga notes ko para makapag review din daw siya.

May nag door bell tatlong beses na sunod-sunod. Ako na ang tumayo para tignan kung sino yun, nakasunod na naman ang aso ko. Nagulat ako ng makita si Floyd sa harap ng bahay namin, namalayan ko nalang na si Funk na ang nagbukas ng gate.

"What are you doing here? Diba sinabi niyang ayaw kana niyang makita? Hindi kaba nakakaintindi?!" galit na sabi ni Funk kay Floyd

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito, saka ano din bang ginagawa mo dito sa bahay nila?"

"Wala kang pake! Umalis kana nga! Hindi ka niya kakausapin!"

Naisipan kong umarte nalang para umalis na si Floyd at para hindi ako maawa sa kaniya at baka kausapin ko pa siya.

"Baby who's that?! Hindi pa tayo tapos sa ginagawa natin sa kwarto e tapos may nang istorbo pa!"

Kunwaring naiinis na sabi ko saka lumapit kay Funk at yumakap sa kaniya pero dahil medyo matangkad siya kinailangan ko pang tumingala sa kaniya. Bahagya siyang yumuko saka ako nginitian at saka ako hinalikan sa noo.

"We'll continue that baby don't worry!" nakangisi na naman 'tong tsonggong to

"What?! Are you out of your mind Avery?"

I looked at Floyd then smile.

"Yes Floyd, I'm out of my mind!" plastic na ngiti lang ang binigay ko

"This is hell!" dismayadong sabi niya

"This is heaven Floyd! Heaven!" makahulugang sabi ko saka ngumisi

"Will you please just leave? Nakakaistorbo kana kasi samin ng girlfriend ko eh!" si Funk na ang nagsalita

Tumingin sakin si Floyd saka umiling-iling. Saka umalis na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo siya.

"Did you see that? Did you see his reaction? Amazing!"

Inirapan ko nalang si Funk saka na ako pumasok sa loob, bago ko pa siya mabigwasan.

It Wasn't YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon