3

5 1 0
                                    

Alas singko palang ng umaga pero tapos na akong mag ayos.

"Anak? Why so early? Hindi mo ba hihintayin si Floyd?" tanong ni mama ng makita akong nakababa na ng hagdan at dala na ang gamit ko

"Nah, kakain lang ako ma saka aalis na din po!"

"May problema ba kayo ni Floyd?" kunot noong tanong niya

"Ahhhm wala naman po ma, why?"

"Nothing. Kumain kana, sumabay ka nalang sa daddy mo"

"Oh good idea ma, tinatamad din akong maglakad e!" nakangiting pagsang ayon ko

Bumaba na din si daddy, at nagtungo sa hapagkainan.

"Goodmorning dad!"

"Goodmorning honey! Goodmorning sweetheart!"

"Dad, sasabay po ako sa inyo. Pwede po ba?"

"Why not sweetheart? Na-miss ko na ding ihatid ka sa school mo. Simula ng ihatid sundo ka ng kabigan mong si Floyd ay hindi na kita naihahatid." aniya ni papa saka ngumuso

Natawa nalang kami ni mama sa kaniya.


***

"Bye dad!" paalam ko kay daddy saka humalik sa pisngi niya

5:10 palang naman kaya naisip kong magpunta sa music room. Open naman ang music room ng Colosus High para sa mga estudyanteng gustong tumugtog o kumanta. Pampatanggal sama ng loob na rin.

Malapit na ako sa music room ng mapansin kong bahagya itong nakabukas. Lumapit pa ako at nakarinig ako ng mahinang boses mula sa loob, he's singing. Ang sarap sa tenga ng boses niya, nakakarelax. Sumilip ako sa usli ng pintuan, then I saw him playing with the piano.

I know that song, that's one of my favorite. Pinanood ko lang siyang tumugtog. Hanggang sa di ko na namalayang nasa loob na din pala ako ng music room at sinasabayan na ang pagkanta niya. Napatigil lang kami pareho ng may marinig na slow clap mula sa pintuan.

Lumingon ako doon. Si sir Alfaro.

"Nice voices, bagay na bagay kayo sa isang concert!" aniya ni sir habang nakangiti saming pareho

Mr. Alfaro is my adviser at MAPEH ang tinuturo niya saming 9-A.

"Nakita ko kasi itong si Avery na pumasok dito sa music room habang kumakanta so I followed her. Parang wala siya sa sarili at parang ramdam na ramdam niya ang bawat lyrics ng kanta"

Napitik ko ang sariling noo,"I'm sorry to disturbed you hindi ko talaga namalayan sorry!" lumingon ako sa lalaking nasa stage saka sincere na nanghingi ng sorry

He smiled. "It's okay. You have a nice voice, hindi mo din siguro namalayan na ikaw nalang ang kumakanta kanina. You're cute" sabi niya saka tumawa ng bahagya

Pinitik ko ulit ang noo ko, so stupid Avery!

"Avery, he's your new classmate. He's from Beethoven National High School and he transfered here in our school. Sa tingin ko ay magkakasundo kayong dalawa, masarap pakinggan ang boses niyong dalawa kapag sabay na kumakanta ha! Sa susunod pag nagkaroon ng event dito sa school kayo ang ipanlalaban ng section natin sa singing contest." sabi ni sir kaya naman lumaki ang mata ko

"P-pero sir hindi po ako kumakanta sa harap ng madaming tao!" sabi ko saka bahagyang yumuko

"Why?"

Hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala yung lalaking nasa stage kanina.

It Wasn't YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon