"Funk bilisan mo nga diyan!"
Hayst! Kay aga-aga umiinit ang ulo ko dito sa Funk na 'to. Pano ba naman kasi kapag may nadaanang bulaklak inaamoy. Bakla ata to.
"Bakla kaba Funk? Bakit ba yang mga bulaklak ang pinagtitripan mo?" inis kong tanong, tumingin siya sakin then he grin
So weird.
"Sana ayos kalang Funk!"
"Nakakarelax amuyin yung mga bulaklak, try mo!" sabi niya lang
"Tss! Ayoko nga, tara na kasi male-late pa tayo sa ginagawa mo eh!"
"Oo na!"
Tahimik nalang kaming naglakad. Siguradong walang kwenta lang din naman ang lalabas sa bibig nitong si gunggung.
"Ayaw mo bang magkaayos kayo ni Floyd?" maya-maya tanong niya
Oww shit lang.
"I don't know!"
"Tingin ko, oo kasi mahal mo si Floyd e. Hindi mo siya matitiis, kahit pa iwasan mo siya. Saka mag usap kayong dalawa, para magkalinawan kayo" he said
I looked at him, naguguluhan ako sa lalaking 'to. He looked at me then he smile.
"Poging-pogi ka na naman sakin!"
"Ha? May sinabi ka ba?" umakto pa ako na walang narinig
Tumawa naman si mokong saka ginulo ang buhok ko. Watdahel!
"Ngayon naman buhok ko sinira mo ayos ka din ah!" inis na sabi ko saka kinuha yung suklay sa bag ko
Nagsuklay nalang ako kesa mabwiset sa taong 'to. Ewan kung tao nga ba 'to mukha kasing tsonggo e.
"Funk? Nasan pala ang mga magulang mo?" hindi ko din alam kung anong pumasok sa utak ko at tinanong ko yun
Ngumiti siya sakin, pero yung mga mata niya. May galit, lungkot at pagdadalamhati sa mata niya. Nasasaktan siya.
"Hindi ko alam!" tanging sagot niya
"Eh paano ka napunta kay nanay Marie?" tanong ko ulit
"When I was young, siguro mga 6 palang ako nun. Palaboy-laboy ako sa kalsada. Namamalimos, para may makain ako. Nakita ako ni nanay Marie, patawid ako nun sa kalsada" bahagya siyang tumigil
"Hindi ko namalayan na may sasakyan palang padating, hindi ko na alam yung sunod na nangyari basta namalayan ko nalang na wala na ako sa gitna ng kalsada at nakayakap na sakin si nanay"
Tumingin siya sakin, may luhang tumulo sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
"Kundi dahil kay nanay Marie, siguro inuuod na ang katawan ko sa ilalim ng lupa. Simula nun kinupkop ako ni nanay kahit na mahirap ang buhay niya. Walang naging asawa si nanay, dahil sabi niya igugol niya daw sakin ang lahat ng atensyon niya at magtatrabaho daw siya para pag aralin ako"
Hinarap ko si Funk, hindi ko alam pero may nag uudyok sakin na punasan ang luha niya.
Dahan-dahan kong nilapit ang palad ko sa pisngi niya at pinahid ang luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Saka ako ngumiti sa kaniya at niyakap siya.
"Kaya kapag nawala si nanay, hindi ko alam ang gagawin ko! Mamamatay ako kapag pati si nanay mawala sakin!"
Naririnig ko na din ang hikbi niya.
"Shh kung sakali mang mawala si nanay, wag ka mag alala hindi kita iiwan. Ako ang magiging sandalan mo. Kaya simula ngayon best friend mo na ko. Okay?"
Tumango-tango siya saka ko naramdaman na nakayakap na din siya sakin.
BINABASA MO ANG
It Wasn't You
Teen FictionI thought it was you, I thought you and I we're meant to be. But I was wrong. I thought someone like you will love me the way that I love you. But then again I was wrong. Because you're meant to her and I meant to be alone.