8

8 1 0
                                    

Funk POV

"Hoy babae! Bilisan mo nga diyan!" sigaw ko kay Avery na napakakupad maglakad

"Tigilan mo 'ko sa kakasigaw mo Funk ha hambalusin kita nitong bag ko!" iritang sigaw niya pabalik

"Tss sa payat mong 'yan mahahambalos mo ang gwapong si Funk?" nakangising sabi ko

"E kung ginagawa ko na kaya ngayon ha?!"

Napaka sungit talaga ng babaeng 'to, akala mo araw araw may tuldok e.

"Ito naman joke lang e, masyado ka kasing seryoso!"

"Heh! Itikom mo nalang nga 'yang bibig mo, naiirita ako tuwing naririnig ko 'yang boses mo e!" sabay irap

Anak ng tinapa nga naman, ang hirap pag may kasama kang abnormal. Bumuntong hininga ako. Hinintay ko nalang ang lakad pagong na si Avery, pauwi na kasi kami ngayon at ewan ko sa babaeng 'to ang bagal-bagal maglakad may hinihintay ata 'to.

"Ave! 'Diba si Floyd yun?" I asked her, bahagya naman siyang lumingon sa likod saka lumingon ulit sakin

"Yah!" sagot niya saka bahagyang ngumiti

"You should talk to him, para naman hindi kana palaging bugnutin"

"She's with Rischosiah, saka mukhang nagkakamabutihan na sila bakit ko pa guguluhin?"

"So ganun nalang yun? Sayang naman ang friendship niyo, sabi mo halos 3 years din kayong naging mag bestfriend 'di ba?"

"Oo nga pero hay wag na nga natin pag usapan 'yan!"

Bahagya siyang lumingon sa likod, kaya lumingon na din ako. Naghahagikgikan sina Floyd at Rischosiah may iba pa silang kasama pero hindi ko naman sila kilala, mukhang nagkakatuwaan ang grupo nila.

"Ate Avery!"

Sabay kaming lumingon ulit sa likod, nakita namin si Alistair kasama pala niya sina Floyd. Inakbayan ko si Avery, kunot noo siyang tumingin sakin. Kinindatan ko nalang siya.

"Alistair! Ikaw pala?" ngumiti siya dito pero ramdam kong naiilang siya dahil lahat sila nakatingin samin at lalo na sa kamay kong nakaakbay sa kaniya

"Ate kasama mo na naman 'yang pangit na 'yan!" sumimangot si Alistair ng makita ako

"Ali, that's bad alam mo naman yun 'diba? Saka sino na namang ugok ang nag turo sayo na man'lait ka ha?"

"Sino paba edi si kuya Floyd!" nakangiting tugon ni Ali

Umiling-iling si Avery saka bumuntong hininga,"Nga pala Ali, nag mamadali kasi kami ni Funk e. May pupuntahan kami, next time nalang ha?"

Sumimangot ulit si Ali,"Saan kayo pupunta?" nakanguso pang tanong nito

"Date!" sabay naming sagot

Tumingin ako kay Floyd at sa mga kasama niya, ang sama ng tingin nung dalawang babae kay Avery lalo na si Rischosiah.

Ako na mismo ang humila sa kaniya paalis dun, pero hindi pa kami tuluyang nakakalayo ng marinig namin ang pagtawag ni Floyd sa pangalan niya. Lilingon pa sana siya pero hinila ko na siya ng tuluyan.

"Teka nga Funk, akala ko ba kakausapin ko na siya!"

"Ng ganyan ang hitsura mo? Kitang-kita na nasasaktan ka Avery, dapat ready ka dapat hindi niya mahalatang nasasaktan siya. Lalo na si Rischosiah, dahil pwede  iyang gamitin ang bestfriend mo para makuha niya ang rank 1 wah kang mag alala kung bumaba man ang rank mo, sisiguraduhin nating hindi mapupunta sa rank 1 ang babaeng yun!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Wasn't YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon