Joshua's Pov
"Flasback...."
"Dude mauna na muna ako sainyo ah".Paalam ko kila Mark at Gian.Katatapos lang kasi namin magpractice nang basketball para sa gaganaping school competion nang ibat ibang university.At mabuti nalang hindi pumasok ang prof.namin sa first subject kaya may time pa ako para makapagreview.
"Okay".sagot naman nung dalawa.May pinag uusapan pa kasi sila nang coach namin.Nagpaexcuse kasi muna ako dahil kailangan kong mag review para sa exam namin mamaya kundi baka bumagsak ako.Isang taon nalang gagraduate na ako.
Naglalakad na ako papasok nang building namin ng may tumawag sa pangalan ko."Joshua?"si Abby pala.
"Oh Abby bakit?"tanong ko sa kanya.Si Abby isa sa mga classmate ko at siya lang din ang kaibigan kong babae sa room namin.Mabait kasi siya at hindi siya katulad ng mga babae na gusto lang makipagkaibigan sakin dahil may ibang intensyon.Nakagaanan ko siya nang loob at naging kaibigan ng gumawa kami ng isang project.
"Alam mo na ba ang bali-balita?"hingal na sabi niya dahil patakbo siyang lumapit sakin.
"Anong balita?"nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo alam?"balik na tanong niya sakin."Ang alin nga?"naiinis na tanong ko sa kanya.
"Na may girlfriend na daw si Gian dito sa school!."hingal pa rin sabi niya.
"Oh ano naman bago dun? Eh dati pa naman may girlfriend yun.Araw araw pa nga iba iba eh!".Natatawang sabi ko.
"Bago to dahil ipinakilala niya ito kay Lexie bilang girlfriend at ang nakakagulat ay hinalikan daw nito ang babae sa harapan mismo ni Lexie!."sunod-sunod na kwento niya.Kundi ko lang siguro to kaibigan baka nasabihan ko na ito na tsismosa eh!Kaso ayokong maoffend siya kaya hahayaan ko na lang siya.
"Ah ganun ba?Sino naman daw yung mamalasing babae?"tanong ko ulit."Hindi ko nga rin alam eh".agad na sagot ni Abby.
Mukhang sinunod ni Gian yung opinion ni Mark ah.Goodluck! sa kanya kung uubra kay Lexie yung plano niya.Sino naman kaya ang naloko ni Gian at napapayag niya.
"Hayaan na natin sila,buhay nila yan!.Halika kana at magrereview pa tayo para sa exam mamaya".at nagsimula na akong maglakad.
Ngunit natigilan ako nang malapit na ako sa room namin dahil may narinig akong nagtatawanan.Hindi ko maipaliwanag pero parang may humahatak sa mga paa ko papalapit sa kinaroroonan nang mga nagtatawanan.
Nang medyo malapit na ako ay kitang kita ko si"Elle!" na nakasalampak sa sahig at ang kanyang kulay blue na uniform ay naging kulay puti na.
"Sinong Elle?".tanong ni Abby na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.
"Si Janelle yun ah!pero bakit tinawag mo siyang Elle?".nagtatakang tanong niya.
"Ah wala..ehh..naririnig ko lang na tinatawag siya ni Steffany sa ganun pangalan kaya nagaya ko lang".palusot ko.
"Okay!.Pero bakit si Janelle nakasalampak sa sahig at mukhang galit na galit sa kanya si Lexie?Hindi kaya siya ang babae na sinasabi nila na girlfriend ni Gian?"
"Hindi lang yan ang aabutin mo neird Janelle.Pag hindi mo nilayuan si Gian ipapakick out kita dito sa school.Hindi mo alam ang pwede kong gawen.Goodluck nalang sayo!stupidgirl!".rinig na rinig kong sabi ni Lexie kay Janelle habang nakaupo pa rin ito sa sahig.
Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko dahil unti unti nang humahakbang ang mga paa ko papalapit kila Lexie nang biglang hawakan ni Abby ang kamay ko."Wag mo nang ituloy ang plano mo Joshua mas ipapahamak mo lang siya sa gagawin mo.Baka mamaya hindi lang si Lexie ang gumawa niyan sa kanya,kundi pati ung mga babaeng patay na patay sayo".sabi ni Abby.
BINABASA MO ANG
Start in a Kiss (Slow Update)
RomanceIm Janelle Cruz,isang studyante at pangarap na makapagtapos nang pag aaral nang tahimik!! Pero dahil sa isang lalaking kinaiinisan ko ay magugulo lahat!!!! And all start in a kiss!!! Story Cover by:EllaSicat >3