Part Eight:The past

157 8 22
                                    

A/n: I dedicate this chapter to my one and only bae on wattpad..

To Bae @EllaSicat.Thanks sa pagtitiyagang pagbasa ng story ko..salamat din sa mga comment mo dahil kahit papano ay may natutunan ako..:) cyberhug bae :)

^_____________________^

Gian's Pov

"What are we doing here?Ano to?"parang gulat na gulat na tanong ni Elle.Natatawa tuloy ako sa itsura niya kasi takang taka siya kung bakit sa lugar na to ko siya dinala.

"Akala ko ba matalino ka?Hindi mo ba alam ang lugar na to?Park,Playground o Palaruan hindi mo alam!Mas tanga ka pa ata sakin eh!"asar ko sa kanya pero bigla akong nakaramdam nang sakit dahil binatukan lang naman niya ako.

"Aray!Bat kaba nambabatok?Kung hindi kalang babae kanina pa kita diyan pinatulan."Naiinis na sabi ko.

"Hoy!ulitin mo nga yung sinabi mo!Alam ko ang lugar na to!At ang lugar na to ay para sa mga bata kaya wag mo akong sasabihan tanga dahil mo ako katulad na tanga noh!"sigaw niya sakin.Tsaka siya umupo sa isang maliit na bench malapit sa isang puno.

Naiinis talaga ako sa kadaldalan nang babae na to.Ewan ko ba?Ano bang nangyayari sakin?.Kahit kelan wala pang babae na nangahas na sigawan o batukan ako pero itong babae na to nahahayaan ko siyang gawen yun!Kakaiba talaga ang babaeng to.Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganun nalang ang inis niya sakin pag nakikita ako.Yung para bang akala mo may nakakadiri akong sakit na di dapat lapitan o kausapin man lang.Ugh!!Pambihira!

"Ano na?Pumunta ba tayo dito para sa wala?Ano bang meron dito sa park na to?"seryosong tanong niya sakin tsaka naman ako naupo malapit sa kinauupuan niya.Sandaling katahimikan ang nanaig samin habang pinagmamasadan ang mga batang naglalaro.

Hanggang sa biglang may tumawag sa pangalan ko."Kuya Gian!"tawag sakin nang isang bata habang papalapit sa kinauupuan namin.

"Oh CJ kumusta kana?"nakangiti bati ko sa kanya habang ginugulo ko ang buhok niya.

"Kuya?Kapatid mo?"tanong ni Janelle pero imbis na sagutin ay nginitian ko lang siya tsaka humarap ulit kay CJ.

"Kuya bakit ngayon kalang ulit

pumunta dito?Si ate Carla po?"tanong ni CJ.Para naman nabingi ako sa pangalan binanggit niya dahilan upang maalala ko na naman ang lahat ng nakaraan na gusto ko ng kalimutan.

"Hoy Kuya!"tsaka lang ako natauhan nang bigla akong kalabitin ni CJ at napatingin din ako sa kinauupuan ni Janelle at nakita ko siyang napapailing."Kumusta kana?Nag aaral kaba ng maayos?"pag iiba ko.

"Ok lang ako kuya.Namiss nga kita eh.Tagal mo na kayang hindi nagpupunta dito pati si Ate Carla."Haist binanggit na naman niya sabi ko nalang sa sarili ko.

"Sorry medyo busy lang kasi ako sa school kaya di na ako nakakapunta dito.Pero hayaan mo madalas na ulit ako dito para puntahan ka.Ah CJ may pasalubong pala ako sayo.Oh ito susi ng kotse ko kunin mo nalang sa likod ng kotse.Okay?"at inabot ko na sa kanya ang susi.

"Yehey!thank you kuya Gian,bait mo talaga."kitang kita sa mukha niya ang sobrang tuwa lalo na nung nakita niya ako kanina.

"Teka!Sino po yang maganda mong kasama kuya?"sabay pa kaming napatingin ni Janelle sa isa't isa.Langya tong batang to,Kaliit liit pa eh pilyo na.

"Ah siya si ate Janelle mo.Kaibigan ko".pagpapakilala ko.

Agad naman lumapit si CJ kay Janelle at hinawakan ang kamay nito at ang nakakabigla pa ay hinalikan niya ang kamay ni Janelle kaya nagkatinginan na naman kaming dalawa.

Halata naman sa mukha ni Janelle ang pagkabigla pero alam kong pinipigil nya rin ang sarili niya na matawa sa bata.

Haist!Kung hindi lang masamang manapak ng bata ay baka kanina ko pa ginawa.Pilyong bata to,dinaig pa ako.

Start in a Kiss (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon