Part one."Kiss"

165 17 24
                                    

Elle's Pov

"Elle lumabas ka na dyan,umaga na!"napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na katok at tawag na nagmumula sa labas nang pinto ko.

"Opo babangon na po".sagot ko naman kay mama pero nakahiga pa rin ako.Bat naman kasi ang aga aga akong gisingin eh.Pero mamaya bumangon na rin ako bago pa ako masermonan na naman ng wala sa oras.

Agad kong tinungo ang banyo at naligo.Makaraan ang ilang minuto ay natapos din ako.Nagbihis na ako ng school uniform ko at inayos ng unti ang sarili ko powder at lipstick lang nilagay ko.Hindi naman kasi ako maarte katulad iba dyan na halos maging rainbow na ang mukha dahil sa mga ka ek ekan..

"Goodmorning ma,goodmorning kuya."isa isa ko silang hinalikan sa noo.

"Elle siguro natulog ka naman ng gabing gabi kaya napuyat ka na naman!?"

"Ma malamang sa malamang yan nanuod na naman yan kagabi ng paborito nyang teleserye,at baka nag iimagine yan na sana katulad ng sa pinanunuod nya ay makahanap din sya nang prince charming nya!!"Pang aasar ni kuya.Alam nya kasi NBSB ako pero masaya naman ako kahit wala ako boyfriend.Distract lang yan sa pag aaral ko.

"Kuya naman eh kailangan ipagsigawan na wala akong boyfriend!!"inis na sabi ko sa kanya.pero tinawanan lang nya ako.Mabulunan ka sana.

"Ang lakas mong mangtrip kuya,e samantalang ikaw torpe ka naman".asar ko sa kanya at tinawanan ko rin sya nang malakas.Tumigil lang ako nang pagtawa nang makita ko na nag iba ang itsura ng mukha at mukhang naasar sya.Ahaha sya naman kasi nauna e gumanti lang ako.

"O sya tama na yan baka kung san na naman umabot nyang asaran nyo."awat samin ni mama.Bilisan mo dyan Elle at baka malate kapa.

Agad akong kumain pero hindi pa rin maalis ang pag kakangiti ko dahil sa nakikita kong ekspresyon sa mukha ni kuya.

"Anong tinatatawa tawa mo dyan???"inis na tanong sakin ni kuya,napansin nya siguro.

"Wala po!." Yan lang naman kasi ang pang asar ko sa kanya na alam kong kahit anong asar nya din sakin pag yun na ang usapan ay tiklop sya.

Gusto nyo malaman kong bakit????nextime na kasi late na ako sa school...

Mamaya ay nagpaalam na rin ako kay kuya at mama.

"O sige anak ingat ka ah mag aral mabuti."

"Opo".

20 minutes ang binayehe ko bago ako makarating sa school na pinapasukan ko. Ang Sandoval University.Ito ay isa sa pinamahal na school sa bansa at kadalasan ay mayayaman ang pumapasok dito.

Isa kasi akong scholar kaya nakapasok ako dito at ngayon nasa third year na ako nang Business degree at isang taon nalang graduate na ako.

Sa tatlong taon ko dito university na to ay tahimik naman pero minsan may mga epal din as usual hindi naman maiiwasan.

Mamaya ay nasa may main gate na ako at pinakita kay kuya guard ang id ko.

"Goodmorning kuya".bati ko kay manong guard syempre sa tatlong taon ko dito ay kilala ko na sya at close kame.

"Goodmorning Elle."nakangiting sagot ni kuya guard.

"Elle!! rinig kong tawag sakin mula sakin likuran.Sino pa ba??sa nag iisang bestfriend ko lang naman na si Steffany.Sa lahat kasi ng kaklase ko sya lang ang matiyagang kumakausap sakin at nasasakyan ko sa mga kalokohan."

"Elle!hindi mo ako narinig?"Tanong nya sakin."Narinig!Halika na baka late na tayo sa first subject natin."Tsaka ko sya hinila papasok nang room namin.

Start in a Kiss (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon