"IKAW AT AKO"
by: Jasmin Carriaga
Sana ikaw nalang at ako
Para may masabing tayo
Hindi ako mahihiya na sabihin ito
Sa mga taong nandito sa buong mundo
May mahal kana pala
Sorry kung ikaw parin pala
Ang laman ng puso pero wag kang mag alala
Dahil ok lang ako na ikaw ang mahal niya at masaya ka na
Ako ang taong kayang ibigay lahat sayo
Ako yung taong di alam ang salitang pagsuko
Pero pag ako pinaglaruan mo
Pasensya ka di ako masyadong tanga para sayo
Sana ikaw pa rin at ako
Pero hindi nakatadhana na maging tayo
Hanggang matapos ang mundo
Dahil iba na ang kasama mo