"MAHIRAP ANG LDR"
By: Kathleen Endiape
Mahirap ang LDR,
Mahirap ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP,
Oo Mahirap , yong tipong wala kang kasiguradohan
sa mga kilos niya ,
Sa mga Ginagawa niya,
Kasi nga Malayo kayo sa isa't-isa ,
Kumonikasyon lang ang nag Uugnay at nag
Kokoneksyon sa inyong dalawa,
Oo may tiwala ka sa Kanya pero hindi talaga
Maeaalis sa isip ang pag-aalala lalo na kapag
Mahal na Mahal mo siya.
Mahal Pasensya ha,
pasensya kung ganto nalang ka Lala ang pagka selosa ko,
Nag-aalala at natatakot lang kasi ako,
Na Baka may makita kang iba,
Na Baka may makita kang iba at Makakalimutan mo
Kung paano kita napasaya,
Takot ako na may makita kang iba na syang magpupuno
sa mga pag kukulang ko,
Takot ako na baka sa iba mo makikita ang saya na
Hindi mo pa nararanasan sa panahong mag kasama tayo,
Baka ipagpapalit mo ako sa iba na malapit Sayo,
Sa iba na gusto mong lage mo makakasama,
Sa iba na laging andiyan sa tabi mo.
Haha! Ang daming BAKA no?, andaming BAKA,
Andaming BAKA na pwedeng Baliktaring KABA ,
KABA na baka maka hanap ka ng iba,
KABA na baka mawala ka saakin,
At BAKA na pwede ko ring isipin at Baliktarin,
Mananatili KABA?
Dahil kung ako ang Tatanongin,
Mananatili akong tapat sa pag-ibig natin.
Pasensya na kung ganito ako ka ilusyonada ,
Pasensya na kung andaming alinlangan sa aking isipan,
Pasensya na,
Pasensya na Mahal lang kasi kita,
Kaya Mahal mag-iingat ka.💓