"PASENSYA NA"
By: Renell Redula
"B" IKALAWANG LETRA SA ALPABETO
"BY" TAWAGAN NATIN NUNG MERON PANG TAYO
NAALALA MO PABA NUNG UNA TAYONG NAGKITA
HINDI KO INAAKALANG MAGUGUSTUHAN KITA
IKAW YUNG TIPONG MUKHANG SUPLADA AT
HINDI NAMAMANSIN NG IBA PERO NAPANSIN MO
ANG KATULAD KO AT TULUYANG
NABIHAG ANG AKING PUSO
MULA SA MGA PICK UP LINES MONG CHESSY,
HANGGAN SA MGA JOKES MONG CORNY
NAGAWA MO AKONG PANGITIIN NG MAG-ISA
AT NAKALIMUTAN ANG AKING PROBLEMA
HINDI KO NAMAN HINANGAD NA MAHULOG SAYO
SADYANG TINAMAAN LANG TALAGA AKO NI KUPIDO
NATATANONG KO SA SARILI KO. BAKIT SAYO PA AKO NAGKAGUSTO?
ILANG BESES NA TAYO NAGING MALABO PERO MAHAL, HINDI PARIN TAYO SUMUKO
HANGGANG SA DUMATING YUNG ARAW NA BIGLA KA NALANG LUMAMIG,
NA WALA NARIN BIGLA YUNG TAMIS NA PALAGI AKONG KINIKILIG
WALA KANANG ORAS SA AKIN, YUNG BATI MO DATI AY NAWALA NARIN
NATATAKOT AKONG KAUSAPIN KA KASI BAKA INAABALA LANG PALA KITA
SIGURO PARA SAYO PANANDALIAN LANG AKO
ISANG PANGPALIPAS NG ORAS MO
PERO PARA SAAKIN MAHAL,
IKAW NA YUNG PALAGI KONG IPINAGDARASAL
NATANDAAN KO PA YUNG ARAW NA SINABI MO NA
BY "PASENSYA NA HA! MAY MAHAL NA AKONG IBA"
AT DUN KO NALAMAN NA ANG TANGA-TANGA KO
BINIGAY KO NA ANG LAHAT KAHIT WALA NG NATITIRA PARA SA SARILI KO
WALA AKONG MAGAWA KASI GUSTO MO
PERO SANA HINDI MO NALANG GINAWA SAAKIN TO
TAO RIN AKO, MAY PUSO AKO, NASASAKTAN AKO
OO, NAGKAMALI RIN AKO AT NAGKULANG AKO
PERO HINDI YAN ANG DAHILAN PARA
PALITAN MO ANG TAONG NAGMAHAL SAYO
KAYA PASENSYA NA KUNG NAGKULANG AKO
PASENSYA NA KUNG HINDI KO NAIBIGAY
ANG LAHAT NG SUPPORTA AT PAGMAMAHAL NA KAILANGAN MO
PASENSYA NA KUNG HINDI KANA MASAYA
PASENSYA NA! PASENSYA NA.
WALA NA AKONG MAGAWA KUNDI PAKAWALAN
KA KASI HINDI KANA MASAYA SA ATING DALAWA
KAYA BY, PASENSYA NA.