"PASENYA NA MAHAL PARIN KITA"
by: Jasmin Carriaga
Pasenya na ikaw parin ang laman ng puso ko
Kahit pilitin ko man na limutin ang ating nakaraan
Di ka parin mawala sa isip ko
Ang pangalan mo ay sinisigaw nitong puso
Kahit anong hirap na naranasan
Ito parin parang tanga handang maghintay sa sagot mo
Kailan mo ba ako muling mahalin?
Bukas, makalawa, o ayaaw mo na akong mahalin?
Mahirap man tanggapin na wala ka na sa aking tabi
Pinilit ko parin tong puso kahit pagod na
Bakit ka ba lumayo?
May kulang ba ako sayo?
O ayaw mo lang makatabi ang hindi mo pinangarap
Na maging parte ng yong buhay
Kahit malayo man tayo sa isa't isa
Nnadito ako naghihintay kung kailan ka babalik
Hindi nalang kumain magdamag
Dahil ikaw, ikaw parin ang iniisip
Sinubukan kong tinanong ang sarili ko na
Bakit ikaw pa ang napili nitong puso
Sana bukas nandito kana sa aking tabi
Kung may pagkukulang man ako
Wag kang mahiyang sabihin sa akin
Dahil muli nating buksan ang ating puso
Kahit sa totoo lang
Di na talaga maibalik ang dating nakaraan
Pasensya na gusto lang kita makasama
Pero wala na, Huli na ang lahat
Kahit masaya kana sa piling ng iba
Nnadito ako naghihintay kung kailan
Maibalik ang dating ikaw at atko
Pasensya na mahal parin kita