"PINAGTAGPO PERO HINDI ITINADHANA"
by: ezkie flow (admin/writer)Pinagtagpo tayong dalawa,
Pinagtagpo sa mga panahong kailangan mo ako at kailangan kita,
Sa madaling salita "kailangan natin ang isa't isa"Balikan natin ang mga alaala,
Mga alaalang sa ngayon ay wala na,
Kung baga sa kwento natapos na, nagwakas na,
Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahong kasama mo ako at kasama kita?
Ang saya pa natin diba?Pero anong nangyari sayo?
Bigla ka nalamang nagbago,
Ang dating lambingan napalitan ng tampohan,
Bigla na lamang nanlamig ang mainit na pag-iibigan,
Ang masaya nating nasimulan napalitan ng kalungkutan,
Ang masaya nating pagsasamahan napuno ng bangayan.Pareho na tayong nasasaktan,
Pareho nga ba? O baka ako lang,
Ang pagmamahal mo di ko na ramdam,
Ang pagpapahalaga mo sa kung ano man ang meron tayo di mo na ipinaparamdam,
May masama ba akong nagawa sayo ng di ko alam?
O baka may ginagawa ka ng hindi mo ipinapaalam.Kinausap mo ako at ika'y nag paalam,
Sinabi mo na saakin ay wala ka ng pakialam,
Gusto kitang pigilan at sabihin sayong "mahal hwag mo akong iwan"
Pero mas pinili kong intindihin ka at pag bigyan,
Kahit na alam kong labis akong masasaktan.Siguro pinagtagpo lang talaga tayo,
At ako'y pinaglaroan ng tadhanang mapaglaro,
Pero sa kabila ng lahat nagpapasalamat pa rin ako,
Na ibinigay ka sakin at naramdaman ko ang pag-ibig mo kahit hindi hanggang dulo,
Salamat at ika'y aking nakasama,
PINAGTAGPO LANG TAYO PERO HINDI ITINADHANA.Write a comment... · Masakit mang isipin na ngayo'y wala ka na
Mahirap mang tanggapin na akoy iniwan mo na
Masikip man sa dibdib ko, na kalimutan ka na
Wala akong magagawa kung yun ang iyong ikakasaya
Pero salamat kase nakilala kita
Kasi dahil sayo, napatunayan ko na...
"Pinagtagpo lang tayo at hindi itinadhana"