"ORAS NA"
By: Angie Jadelle Singson
ISA DALAWA TATLO
NAGKATITIGAN TAYO
APAT LIMA ANIM
AT DUN KA UMAMIN
NA MAY GUSTO KA RIN SAKIN
SA BAWAT ARAW NA KASAMA KITA
SA BAWAT MINUTO NA KAUSAP KA
AY WALANG KATUMBAS NA LIGAYA
ANG ATING TAWANAN SA ISA'T ISA
PERO BIGLANG NAG IBA
NAG IBA ANG PANAHON SA ATING DALAWA
NA TILA BA MAY GUSTONG IPAHIWATIG
NA TAMA NA ITIGIL NA NATIN
BAKA DI LANG TAYO PARA SA ISA'T ISA
BAKA SIGURO KAILANGAN MUNA
NATING MAG ISIP-ISIP
KUNG SAAN BA TAYO PUPUNTA
BABALIK PA BA O PATULOY NA LUMALABAN NG MAG ISA
BAKA ORAS NA PARA MAGPAHINGA
ANG ATING MGA PUSONG
NAPAPAGOD AT SUGATAN NA.