Casper's POV
Kasalukuyan akong naliligo sa banyo habang iniisip ang katangahang nagawa ko kay Cassie.
Sobrang nagalala ako sa kaniya. Kung hindi talaga ko marunong mag CPR sigurado akong mawawala siya ng dahil sa katangahan ko.
Hindi ko kakayaning mawala siya nang ganun ganun lang at mas di ko kakayaning mawala siya ng dahil sakin. Di bale nang ako nalang ang mamatay wag lang siya.
Flashback
SiniCPR ko na ngayon si Cassie kasi nawalan siya ng malay at nung kinapa ko ang pulso niya ay wala rin akong maramdaman.
"Cassie gising na please. I'm sorry." Sambit ko habang ginagawa yung chest compressions at minamouth to mouth recession.
"Yaya! Nasan na ba si Dr. Frank?! Hindi na humihinga si Cassie..." mangiyak ngiyak na sambit ko.
"Oh my God. Panginoon wag niyo muna kukunin ang alaga ko." Sambit naman ni Yaya Linda at mangiyak ngiyak niyang tinawagan ulit si Dr. Frank.
"Doc pakibilisan. Yung alaga ko." Umiiyak na si Yaya Linda at ganun din ako.
"Opo doc. SiniCPR na siya ni Casper. Pakibilisan doc..." sambit niyang muli.
Patuloy ko paring ginagawa yung CPR gaya ng pagkakaturo samin sa school pero di parin gumigising si Cassie.
"Cassie. Huwag ka naman magbiro ng ganiyan. Gising na please."
Ilang sandali lang ay dumating narin si Dr. Frank at may ininject kay Cassie at siya na ang nagpatuloy ng oagsi CPR.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyareng masama sa kaniya.
Tumigil naman si Dr. Frank at nakita kong humihinga na si Cassie at naramdaman ko ang pulso niya na bumalik na
"Ilipat na natin siya sa kuwarto." Sambit ni doc. Kaya naman binuhat ko na siya at dinala na sa loob.
"Okay na siya. Pero mamaya pa siya magigising dahil sa gamot na ininject ko. Painumin mo ito mamaya pati bukas ng umaga." Ibinigay naman niya sakin ang gamot.
"Thank you doc. Pasensya na sa abala. Wag niyo nalang po ipaalam sa parents namin ang nangyare." Ganito din naman ang sasabihin ni Cassie dahil magaalala talaga ang parents namin.
"Sige Casper. Pero sana bantayan mo na siya. Malala na ang asthma niya. Buti nalang ay naagapan mo at marunong kang mag CPR."
"Salamat doc. Pasensiya na po ulit."
"Wala yun. Gjnagawa ko lang ang trabaho ko. Aalis na ako dahil babalik pa ako sa hospital. Good Bye. Bantayan mo siyang mabuti." Aniya at umalis narin.
End of Flashback
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko ang unan at kumot ko. Kailangan kong bantayan si Cassie kaya doon nalang ako matutulog sa kuwarto niya.
Cassie's POV
"Dito ako matutulog. Babantayan kita." Ani ni Casper habang may dalang unan at comforter.
"Okay." Sagot ko sa kaniya at hinihila yung extrang bed.
"Ako na dito." Sambit niya at siya na ang nagpatuloy sa pagaayos ng higaan...
Dito narin naman siya natulog dati lalo na kapag bumabagyo automatic na dito na siya matutulog dahil takot ako sa kidlat at kulog.
Humiga naman na ako sa kama ko at ganun din siya. Kinuha niya ang remote ng ilaw at pinatay ito.
BINABASA MO ANG
I Can't Tell You
Teen FictionEverything has changed simula nung naging highschool kami. I'm Cassie and this is my story. Hindi ko talaga akalain na magkakagusto ako kay Casper. He is my childhood friend and that's the reason why I can't tell my feelings for him. Until now it...
