Casper's POV
Itinabi ko naman sa bag niya yung salamin niya. Malapit narin kami sa bahay at ipinaalam ko na kila mima ang nangyare kay Cassie.
Ilang sanali lang at nakarating narin kami at agad agad ko siyang binuhat at umakyat na papunta sa kwarto niya.
Agad agad naman sumalubong si Cas at tumahol. Inihiga ko naman na si Cassie sa kama niya at tumabi sa kaniya si Cas. Ang bigat niya kahit ang payatot niyang tingnan. How's that possible.
"Hi baby Cas. Cassie passed out dahil sa phobia niya. But don't worry gigising na yan maya maya." hinawakan ko naman yung aso niya at tumahol siya ulit but this time mahina lang. What a smart dog.
Iniayos ko naman na si Cassie sa pagkakahiga at tinangal ang sapatos niya. Ang liit talaga ng paa niya. Kaya madalas wala siyang size sa women section eh. Parang pambata yung size ng paa niya.
Pagkatapos siyang ayusin ay kumuha agad ako ng first aid kit para linisin yung sugat niya.
Kinuha ko naman yung kanang kamay niya at parang hindi lang siya basta gas gas at parang nahiwa talaga siya sa bandang gilid ng palad niya. Siguro yan yung time na nabangga siya kanina ng Mark na yun.
May basag yung tiles na pinagbagsakan niya tapos kinapa kapa niya pa yung sahig para hanapin salamin niya kaya sigurado ako na dun yun galing pero di niya napansin yun hanggang makapunta kami sa starbucks??
Cassie's POV
Pagkagising ko ay andito na ako sa kwarto ko. Tiningnan ko naman yung kamay ko na binalutan ng gasa.
Naalala ko naman lahat ng nangyare at alam kong di ko napansin ang sugat ko dahil sa panghihila sakin ni Casper. At dahil nanaman sa phobia ko kung bakit ako nawalan ng malay.
10:30 p.m. na kaya nagbihis na ako agad at lumabas ng kwarto dahil nagugutom ako at di pa ako nakapag dinner.
Dumiretso ako sa dining area at nakita ko sila Mima na naghahanda ng pagkain at si Casper naman ay nakaupo lang.
Tumayo naman si Casper at pinaghila ako ng upuan sa tabi niya.
"Ayos ka na ba?" nagaaalalang tanong ni Casper at Mima.
"Okay na ako. Thanks kanina. Okay na po ako Mima." Sagot ko sa kanila.
Late dinner na kaya di na ako masiyadong kumain. Basta malamanan lang yung tiyan ko ayos na yun.
Hinanap ko naman si Cas dahil di ko pa siya nakikita.
"Nakita mo si Cas?" Tanong ko kay Casper.
"Nasa kuwarto ko nilalaro yung teddy bear na napanalunan natin kanina." sagot niya naman habang may tinatype sa phone.
Umakyat na ako at bubuksan na sana ang kwaro niya nang bigla niya akong pigilan at hinawakan ang door knob para isara ito ulit.
"M-may problema ba?" Bakit ako nauutal? Omg. Sobrang lapit niya sakin.
Di ako makagalaw kasi less than a ruler na ang lapit niya sakin.
"You forgot that my cat is the trigger to your asthma. Ako na kukuha kay Cas." sagot niya ng mahinahon at kitang kita sa mapupungaw niyang mata ang pagaalala.
"O-okay." hindi ko parin maituwid ang dila ko dahil magkahawak parin pala kaming dalawa sa door knob kaya agad agad kong tinanggal ang kamay kong may bandage at pumasok sa kuwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay humiga agad ako sa kama at kinuha yung teddy na napanalunan namin kanina. My heart beat suddenly gets faster nung naalala ko yung ngiti niya kanina nung naglalaro kami, nung nanalo siya sa deal pati yung nagalit siya sa pagiging clumsy ko.
BINABASA MO ANG
I Can't Tell You
Teen FictionEverything has changed simula nung naging highschool kami. I'm Cassie and this is my story. Hindi ko talaga akalain na magkakagusto ako kay Casper. He is my childhood friend and that's the reason why I can't tell my feelings for him. Until now it...
