Cassie's POV
Jogging dito jogging doon. Hingal na hingal ako samantalang ang konti palang ng tinatakbo ko.
Haays. Ang hirap huminga. Sana di ako atakihin ng asthma. Nagpahinga nalang muna ako dito sa bench.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Kuya Lebron. Tumango lang ako sa kaniya at huminga ng malalim.
Kailangan ko din ng exercise para kahit papaano eh mag improve ang kondisyon ng lungs at health ko.
Habang nagpapahinga ay nakita kong pagod na pagod din si Cas. Hahaha. Cute dogiee. Buti nalang may dala akong water. Hati nalang kami. Pinainom ko naman din siya.
Saglit lang ako nagpahinga at bumalik ulit ako sa pagtakbo. Nakasalubong ko naman si Casper kasama yung isa pang guard. Owen ata name nun.
"Good Morning Ma'am." Ani ni Kuya Owen.
"Good Morning kuya." Bati ko sa kaniya at tumigil naman ako sa pag jogging.
"Bakit di mo ko ginising??" Sambit ni Casper habang hinihingal pa. Akala ko ba inaantok siya. 5:30 palang.
"Kasi antok na antok ka kanina kaya di na kita ginising... Kasama ko naman si kuya Lebron kaya ayos lang." Sagot ko sa kaniya.
"Kahit na... Di mo pa dinala yung inhaler mo... Mamaya atakihin ka ulit ng asthma mo eh." Oo nga no. Nakalimutan ko nanaman ang inhaler ko.
"Ayan nilagyan ko na ng ID lace para kahit san ka magpunta dala mo." At isinabit niya naman sa leeg ko.
"Salamat. Bumalik ka na at mukang inaantok ka pa. Di ka ba nakatulog ka gabi?" Antok na antok parin kasi yung mata niya.
"Hindi ako makatulog kagabi at napuyat ako. Pero ayos lang. Sasamahan parin kita. Akin na si Cas mukang pagod at tinatamad na siya."
Binuhat naman niya si Cas at umupo sa bench.
Ayaw niya sa dog nung una pero dahil mabait sa kaniya si Cas naging okay na sa kaniya.
Bumalik ako sa pagtakbo pero paikot ikot lang ako dito sa park.
"Kaya mo yan Cassie. Nakakasampung ikot ka na. 20 laps nalang after that enough na."
Sambit ko sa sarili ko. Nakakapagod. Sobrang hinihingal na ako. Pahinga lang ako konti...
Ilang sandali lang ay tumakbo na ako ulit.
After 45 minutes na pagjojogging ay tumigil na ako. Hingal na hingal na talaga ako. Sobra. Kaya bumalik na ako kila Casper.
Binuhat ko naman si Cas dahil tulog na ang baby ko.
"Pawis na pawis ka."sabi ni Casper at pinunasan yung noo at muka ko. Pagkatapos ay inabutan din niya ako ng tubig at ininom ko lang iyon.
"Bumalik na tayo." Sabi ko sa kanila.
"Maya maya na magpahinga ka na muna. Hinihingal ka pa." Aniya, kaya umupo nalang ako sa bench katabi niya.
Halatang inaantok pa siya pero pinipilit parin niyang di makatulog.
8 pa naman ang pasok namin at 6 palang kaya pwede pa siyang matulog ng 1 hour.
"Umuwi na tayo Casper, sa bahay na ako magpapahinga... Cas, baby uuwi na tayo..." Sambit ko kay casper at sa doggie ko at nauna nang maglakad.
Tumayo naman na si Casper at sumunod ganun din sila kuya Lebron.
Pagkadating sa bahay ay nagpasalamat ako kila kuya at dumiretso agad sa kuwarto ko. Nilapag ko si baby cas sa kama dahil tulog na.
Sumunod naman si Casper sa kuwarto ko at humiga din sa kama ko at niyakap si cas sabay natulog.
Pinagmasdan ko lang silang matulog. Haha. Ang cute! Mapicturan nga. Kinuha ko naman cellphone ko at pinicturan sila. Gagawin kong wallpaper to.
BINABASA MO ANG
I Can't Tell You
Teen FictionEverything has changed simula nung naging highschool kami. I'm Cassie and this is my story. Hindi ko talaga akalain na magkakagusto ako kay Casper. He is my childhood friend and that's the reason why I can't tell my feelings for him. Until now it...
