Matapos maglagay ng gamit sa locker ay nagpasiya na kaming umalis para magpunta sa EO branch sa mall.
Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang sa nakarating narin kami.
Pumasok naman na kami sa mall kasama si Kuya Lebron pati yung dalawa pang guard. Nakasibilyan lang sila at nakasunod samin.
Delekado din kasi buhay namin dahil may nagtatangkang mangidnap samin for ransom.
Dumiretso naman na kami agad sa EO. Dahil para na akong bulag pag wala akong salamin or contact lense sa sobrang labo ng mata ko.
Pagkapasok namin sa shop. Agad naman na ako chineckup.
"Ako na pipili ng eyeglasses mo para magmuka ka namang tao kahit papaano." Sabi ni Casper nang natatawa pa dahil sa pangaasar niya.
"Grabe ka! So hindi ako mukang tao?ganun?" Bahala na nga siya. Nang titrip nanaman siya eh.
"Kasi di bagay sayo yung luma mong salamin. Basta ako na bahala." Aniya at ayun namili na siya ng mga frames para sa salamin.
Bagay naman sakin yung luma eh. Muka lang akong nerd. Pero okay lang dahil sanay naman ako dun.
Pagkatapos macheckup ng mata ko nakuha naman na agad ang result at tumaas nga ang grado ng mga mata ko.
May kinuhang tatlong eyeglasses si Casper at tinry ko naman iyon.
Yung una di bagay yung shape sa mata ko.
Yung pangalawa kong tinry manipis lang siya na may pagka square shape.
"Ayoko nito. Manipis. Masisira agad yan sakin."
Ikumpara mo naman yan sa dati kong salamin na makapal pero hanggang ngayon di parin nasisira.
"Tss. Oo nga pala may pagka clumsy ka. Try this one."
Mas gusto ko to. Bagay naman sakin. Medyo makapal na ng konti tapos rose gold ang kulay na may pagka round.
"Ayan nalang mas bagay sayo." Sabi ni Casper nang nakatingin sa mga mata ko at binubusisi ang lahat ng anggulo.
Ibinigay naman na namin sa assistant ng doctor yung eyeglasses para palitan yung lense ng aayon sa grado ng mata ko.
After 30 minutes na paghihintay ay nakuha ko na ang salamin at agad ko ding sinuot yon.
Pinabago ko din yung lense ng dati kong salamin kasi mas sanay talaga ako gamitin yun kapag wala na akong contact lense pero ayos lang din naman yung pinili ni Casper.
Nagpasalamat naman na ako dun sa doctor ko pati sa assistant at umalis narin kami.
Pagkalabas namin ng EO ay naggala naman kami.
"Let's take a picture together nangangamusta si mom." Ani ni Casper at kinuha ang cellphone sa bulsa niya.
Inayos ko lang ang buhok ko at nagselfie kami.
Lumapit naman siya at yumuko ng konti. Ang tangkad niya kasi.
"1, 2, 3. Smile!" Haha ang kulit ng ngiti niya dun. Niloloko nanaman niya si Mama.
Mama ang tawag ko sa mother ni Casper. Mommy naman sa mother ko. Kaya wag kayo malilito.
"Isa pa... Kuya Leb papicture kaming dalawa." Utos ni Casper kay kuya Lebron.
Umayos naman ako ng tayo. Di ako sanay mag picture ng whole body kaya inaayos ko talaga itsura ko.
Habang inaayos ko yung uniform ko ay kinuha naman ni Casper yung tali sa kamay ko. Pagkatapos ay inayos at tinalian niya ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
I Can't Tell You
JugendliteraturEverything has changed simula nung naging highschool kami. I'm Cassie and this is my story. Hindi ko talaga akalain na magkakagusto ako kay Casper. He is my childhood friend and that's the reason why I can't tell my feelings for him. Until now it...
