Chapter 1

19.1K 167 9
                                    

I'm Princess Antoniette Francisco, Toni for short. I'm 18 years old. Hindi naman ako maganda pero masasabi kong simple lang pero may ibubuga. Hindi ako ganoon katangkaran, tama lang 'yong height ko bilang isang 18 years old. Hindi payat, pero hindi rin mataba, sakto lang kumbaga. And my only, only, only, dream is... magkaroon na ako ng Kuya. Ang fairy ko ata ay si Papa, kasi natupad na 'yong pangarap ko na 'yon, magkakaroon na ako ng Kuya...

"Toni, anak!" agad ko naman tinago ang notebook ko at saka bolpen ko ng marinig ko ang boses ni mama at ang malalakas na yabag papunta sa kwarto ko. At pagkatapos noon ay narinig ko na nga ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan.

"Anak.." napalingon naman ako kay mama na kakapasok lang sa may pintuan, pawisan ang noo nito at halatang pagod na pagod. May dala pa itong pang-alis ng alikabok.

"Oo na Ma, lalabas na nga po eh! Hmmp!" sabi ko dito at sumimangot pa.

"Alam mo naman kasing bawal sayo ang alikabok eh, maglilinis kasi ako ng kwarto mo. Kaya kung pwede doon ka muna sa bakuran at makipaglaro kay Snowbee." sabi pa nito at pagod na pagod na umupo sa may kama ko. Naawa naman ako kay Mama, halatang pagod na pagod na siya. Hindi ko naman magawang tulungan siya dahil sa may sakit akong asthma, bawal akong mapagod at bawal sa maalikabok na lugar. Nakunsensya tuloy ako dahil hindi na nga ako nakakatulong ay nagpapasaway pa ako kay mama.

"Oo na Ma.. Bababa na po, basta huwag kayong masyadong magpagod ha?" sabi ko dito, kinuha ko naman ang face towel na nakasampay sa balikat niya at ako na ang nagpunas sa mga namumuo at tumutulong pawis sa noo at mukha niya.

"Opo!" nakangiting sambit nito sa akin. Halata sa mga mata niya ang saya na nadarama.

"Oo na po. Sige na, bababa na po ako. Doon na lang po ako sa may kusina at gagawan ko kayo ng merienda." sambit ko dito.

"Oo sige ba! Gusto ko yan! Gusto ko 'yong tinapay na may strawberry jam ha!" masayang sambit sa akin ni Mama. Tumango-tango naman ako at saka tumayo't kinuha ang face mask ko bago lumabas ng kwarto ko. Katabing kwarto ko kasi ay stock room kung saan nakalagay ang mga lumang gamit namin, at sure akong sa labas palang ng pinto ay malalanghap ko na ang alikabok na manggagaling sa ibang gamit na nakalabas. Nilinisan din kasi ni Mama iyon dahil ito ang magiging kwarto ng bago kong Kuya.

Agad nga akong nagderetso sa kusina para ipaggawa si Mama ng merienda niya. Pagkatapos noon ay nakipagkulitan muna ako kay Snowbee na aso namin, pero kaunting kulitan lamang dahil bawal akong mapagod. Dahil wala naman na akong magawa ay nagtambay na lamang ako sa may veranda at nagduyan ng saglit habang kumakain. Mga ilang oras pa ang nagtagal ay naki-upo na rin si Mama sa akin para magmerienda, hindi naman ganoon kadumi ang kwarto ko kaya't mabilis lamang niya iyong nalinis. Nagkwentuhan lamang kami ni Mama habang naglilinis, at iniimagine ko kung anong itsura ng bago kong Kuya, hindi ko pa kasi ito nakikita at ganoon din si Mama, nasa Japan daw kasi ito at doon nag-aaral.

"Mama naman eh! Bakit hindi mo sinabi sa akin!" pagmamaktol ko kay Mama. Siya naman ay pinagtatawanan ako. Sa pagkwekwentuhan kasi namin ay nabanggit niya na ngayon pala ang dating nila Tito, ang magiging step-father ko at ni Kuya. Kaya pala linis ito ng linis mula pagkagising niya palang, at di niya man lang sinabi sa akin para sana nakapag-ayos man lang ako ng sarili ko, wala pa kasi akong ligo-ligo.

"Ano ba anak! Mamaya pa namang 7 pm 'yon. Huwag kang excited makakaligo ka pa." pagbibiro pa sa akin ni Mama, sinimangutan ko naman siya. Binuhay ko naman ang screen ng phone ko at nakita ko na ala-5 na pala ng hapon, mas lalong humaba ang nguso ko. Pumasok na kaming dalawa ni Mama, nagpahinga lang siya saglit at umakyat na para maglinis ng katawan. Samantalang ako naman ay dumeretso sa kusina para ayusin ang hapunan namin. Ako kasi ang taga-hugas ng pinggan, taga-luto, taga-dilig ng halaman at taga-pakain kay Snowbee. 'Yon lang kasi ang magagaan na gawaing bahay na maiitulong ko kay Mama, alam ko kasi na nagtratrabaho pa siya tapos tuwing sabado at linggo ay siya ang naglilinis ng bahay at naglalaba.

Matapos kong magluto at eksakto namang baba ni Mama.

"Yes naman! Fresh na fresh!" pang-aasar ko pa kay Mama, bumaba naman siya sa hagdan habang kumakaway na parang beauty queen. Well para naman talaga sa akin she's beautiful and she's our queen. Wala ng iba pa.

"Eh ikaw dyan?" tanong pa nito sa akin, lumapit at inamoy ako. "Amoy adobo ka na! Maligo ka na nga!" pang-aasar nito sa akin saka inagaw ang sandok na ginagamit mo.

"Mabango naman ako eh!" pagmamaktol ko habang naglalakad papa-akyat ng hagdan, napapangiti na lamang ako ng palihim habang naririnig ko ang tawa ni Mama. She's really happy. Pagkaderetso ko sa kwarto ko ay agad kong iniayos ang damit na susuotin ko kung saan komportable ako. Jogging pants at malaking t-shirts hehe.

Habang naliligo ay hindi ko pa rin makakalimutan ang mga ngiti at tawa ni Mama. 'Thanks God.' sambit ko sa isip ko habang nangingiti. Salamat naman at masaya na si Mama ngayon, salamat at hindi na siya umiiyak gabi-gabi dahil sa pagkamiss kay Papa, salamat at may taong nagmahal ulit sa kanya at tinaggap siya at ako ng buong puso. Hindi ko maiwasan mapangiti habang inaalala na magkaka-Kuya na ako.

Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis at naglagay ng lotion sa katawan ko, kumalat tuloy ang bango sa buong kwarto ko galing sa lotion na ginamit ko. Nagsuklay at nagpatuyo naman ako ng buhok. Nang marinig ko na lamang mula sa kwarto ko ang masayang tinig ni Mama. Agad na nanglaki ang mga mata ko.

"Nandyan na sila!" mahinang sigaw ko at napatakip pa sa bibig ko. Agad akong humarap sa salamin at tiningnan ang itsura ko kung maayos na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman kong kaba, ewan ko ba. Parang ngayon na makikilala at makikita ko na sila ay parang gusto ko ng umatras.

'Pero hindi pwede Toni! Kaya mo 'yan! Aja!' pagpapalakas-loob ko sa sarili ko. Agad akong nagtungo sa may pinto at binuksan ito at saka masayang bumaba sa may salas. Agad na nakita ko sila Mama at Tito na masayang nag-uusap, pareho silang nakatayo. Agad na hinanap ng mga mata ko si Kuya. At doon nakita ko ang isang matangkad, maputi, gwapo at singkit na mga matang lalaki na nakatingin pala sa akin. Sa tingin ko ay siya ang unang nakapansin sa akin. Agad na nginitian ko siya pero titig na titig lamang siya sa akin. Walang emosyong makikita sa mukha niya. At pagdisgusto naman ang makikita sa mga mata niya.

"Oh, nandiyan na pala ang anak ko." napunta lamang kay Mama ang atensyon ko ng tawagin niya ako.

"Good evening po Tito." bati ko kay Tito Kakashi, isa siyang Japanese na dito na lumaki sa Pilipinas kaya bihasang-bihasa na siya sa tagalog, ang totoo niyan ay ilang ulit ko na rin siyang nakita dito. Nagbabatian lamang dahil agad rin siyang umaalis dahil sa may trabaho pa siyang dapat ayusin, ngayon makakasama na namin siya sa iisang bahay.

"Good evening hija. Huwag na Tito ang itawag mo sa akin, pwede mo naman akong tawagin Papa or Dad." nakangiting sabi nito sa akin.

"Ahh, hehe. Good evening po, Papa." nahihiyang sambit ko sa kanya. Ang totoo ay ito ang hindi ko napaghandaan, ang tawaging papa ang ibang tao, ewan ko ba kung bakit, kahit na aware naman na akong magiging Papa ko siya ay naiilang pa rin ako, siguro ay hindi ako sanay. Nginitian naman niya ako at saka ginulo-gulo ang buhok ko.

"Well, meet my son." sabi ni Papa, sabay lingon sa likod namin kung saan pasimpleng nakaupo sa sofa si Kuya at titig na titig sa aming tatlo nila Mama. "Introduce your self." sabi pa ni Papa, pero agad naman akong tinitigan ni Kuya sa mata. Hindi ko alam kung ano ba ang pinapahiwatig ng mga titig niya 'yon, pero iisa lang ang alam ko, pakiramdam ko ay hindi niya gusto kung ano man ang nakikita niya ngayon.

"I'm tired." walang ganang sambit nito sa amin at itinapon sa itinuon ang atensyon niya sa phone na hawak-hawak niya. Nararamdaman ko naman ang inis na namumuo kay Papa dahil sa ginawa ni Kuya, kaya naman si Mama ay nag-aya ng pumunta sa hapagkainan para kumain at makapagpahinga na si Kuya.

Habang kumakain ay sila Mama at Papa lamang ang nagkwekwentuhan, minsan ay nakikisabat at nagjojoke din ako, pero ang walang imik at deretso lamang sa pagkain ay ang katabi ko ngayon sa hapagkainan, si Kuya. Ni hindi niya man lang magawang makisali sa kwentuhan naman, ni hindi niya nga ata magawang tingnan kami at tutok na tutok lamang siya sa pagkain niya. Paano ko nalaman? Madalas ay sinisilip ko kasi siya, nakakunot at salubong ang makakapal niyang kilay na halatang iritado sa mga naririnig na tawanan namin nila Mama. Maya-maya pa ay bigla na siyang tumayo.

"I'm done." 'yon lamang ang sabi niya bago tumayo at umakyat papunta sa kwarto niya. Sunod naman ang tingin namin sa kanya ni Mama habang si Papa ay dismayado sa pinapakita ni Kuya.

Don't forget your comment and vote guys.♞

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon