Chapter 4

12.1K 107 0
                                    

Classroom.

Toni Pov:

"Good morning Toni!" bati sa akin ni Jessica, agad naman akong napangiti sa kanya.

"Good morning Jess.." malambing na bati ko at nagyakapan kami. Agad naman akong naupo sa katabing upuan niya.

*Bogsh!!!!*

Halos mapapikit ako dahil sa padabog na pagkuha ng upuan ni Kuya Nico. Hambog!

"Anyare na naman sa Kuya mo? Kulang sa sigarilyo?" pabulong na tanong sa akin ni Jess. Umiling na lamang ako habang nakatingin sa kanya.

"Psh. Pabayaan mo na lang." sambit ko dito. Nagkibit-balikat na lamang sa akin si Jess at pinag-usapan na lamang namin ang bagong campus boy group hearthrob sa school namin.

"Si Keinon, sobrang gwapo talaga non Bessy! Ang galing pa sa mga instrument, tapos kapag narinig mo 'yong boses niya.. As in wtf! Kusang malalaglag panty mo whahaha!"

"Whahaha! Shhh.... Grabe ka baka may makarinig sayo.." sabi ko kay Jess at tinakpan ko pa ang bibig niya. Inalis naman niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

"Aba hoy! Ano naman kung may makarinig ha? Lahat ng chismis at kwento ko sayo totoo lahat 'yon! Kaya wala akong dapat na ikahiya don! Mas nakakahiya kapag magkwekwento ako ng mema lang... Memakwento ganon whahaha!" sambit nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa pagtawa ko ay bigla na lamang nakita ng mga mata ko si Kuya Nico, nakatungo ito sa lamesa niya at ang mukha niya ay nakaharap sa amin. Ito ang unang beses na nakita ko siyang natutulog.

"Alam mo... Ang hambog-hambog niyang step-brother mo eh noh? Akala mo kung sino psh. Wala namang kaibigan." sambit pa ni Jess na nakatingin na rin naman kay Kuya.

"Yeah. Pero wala naman kaming magagawa kundi ang mag-adjust para sa kanya." sagot ko pa dito, itinukod ko naman ang siko ko sa desk at nakalumbabang tinitigan ang mga pikit na mata ni Kuya Nico.

"Pero alam mo.. Gwapo si Nico ha! Kaso pangit nga lang ng ugali.." bulong pa nito sa akin.

"Yeah. Mukha nga." sagot ko naman kay Jess.

"Oh siya sige gagawa muna ako ng ass hanggang wala si Ma'am." sabi nito sa akin at inilabas lahat ng gamit niya sa bag. Ako naman ay yumuko na rin sa may desk ko pero nakaharap ako kay Kuya, pareho lamang kasi ang row namin, nasa magkabilang dulo nga lang kami.

Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang siyang magmulat ng mata at biglang nagtama ang paningin naming dalawa. Kakaiba ang nararamdaman ng puso ko, at naninibago ito.

"Sh*t..." agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Umayos ako ng upo at tinulungan na lamang si Jess na gumawa ng ass niya, inabala ko talaga ang sarili ko para makalimutan ang bagay na 'yon, mabuti na lamang at effective.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Natapos ang tatlong subject at breaktime na.

"Toni? Bababa ka ba?" tanong sa akin ni Jess. Sinilip ko naman si Kuya Nico at hayan na naman siya.. Nakatungo sa table nya at hindi na naman magbrebreak at maglulunch psh.

"Toni?" napabaling naman ako kay Jess ng muli niyang tawagin ang pangalan ko.

"Ahh.. Oo, sige tara na.." sabi ko dito at nagpauna ng lumabas ng classroom, habang naglalakad ay kwento lamang ng kwento si Jess tungkol Keinon. Puro siya Keinon, Keinon, Keinon. Psh.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon