Toni Pov:
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may narinig akong kumanta.
♪Akala ko sa'yo natagpuan♬
Agad naman akong lumingon sa may taas ng puno at doon nakita ko ang isang lalaki, nakauniform din ito. May hawak na gitara at nakapikit pa na ultimo'y dinarama ang bawat pagpitik ng daliri niya sa gitara niya.
♪Pag-ibig na walang hanggan..♬
Kanta nito, kasabay niyon ay ang pagtugtog niya ng gitara. Kahit pa na dalawang stanza pa lamang ang nakakanta niya pakiramdam ko ay nasa langit na ako dahil sa lamig ng boses niya.
♪Ang ating pagsasama, pinaglaruan ng tadhana.. Nagmahal ka ng iba.. Iniwan mo akong mag isa.. Hindi ko maturuan ang pusong, 'Wag magmahal ng tapat sa'yo..♪
♪Kahit pa, ako'y bahagi na lamang, Ng nakaraan mo ohhh... Andito lang ako sa'yo Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan magdurusa? Hanggang kailan? Hanggang kailan? Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan magdurusa? Hanggang kailan? Hanggang kailan?♬
Hanggang sa matapos na ang kanta niya. Pakiramdam ko ngayon ay gumaan na ang loob ko dahil sa pagsigaw sa akin ni Kuya Nico kanina sa room. Nakakagaan ang boses na meron ang lalaking ito. Nagulat ako ng bigla siyang magmulat ng mata at nagtama ang paningin namin sa isa't-isa. At bigla siyang ngumiti.
Paksheeet!
Para akong matutunaw dahil sa ngiting ginawa niya sa akin. Mula sa puno ay lumundag siya sa damuhan.
"Ouch! Haha." nasabi niya ng bigla na lamang siyang mapaupo sa pagbagsak niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya, tumayo ako at lumapit para tulungan siyang makatayo, at dala ko pa rin ang Tuna Sandwich at ang C2 na para sana kay Kuya Nico. Inilahad ko naman ang kamay ko na agad naman niyang iniabot. Grabe, biglang nahiya ang kamay ko sa lambot ng palad at kamay niya.
"Thanks." sambit niya sa akin ng makatayo na siya.
"Ako dapat 'yong magthank you sa'yo, dahil sa'yo gumaan 'yong kalooban ko. Dahil sa pagkanta mo. Dahil sa boses mo." sincere na pagkakasabi ko sa kanya.
"Oh? Really? That's good. I hate seeing someone who are alone and sad." sabi nito sa akin at ngumiting muli. Para namang tumalon ang puso ko. "Kung may problema ka, punta ka lang dito. Kakantahan kita." sabi niya pa.
"Ahh.. Okay po.." tanging sagot ko lang dahil nahihiya na rin ako, di ko kaya ang mga tingin niya sa akin. Ang mga ngiti niya sa akin.
"Para kanino 'yan?" tanong niya sa akin sabay turo sa bitbit kong Tuna Sandwich at C2.
"Ahh. Para sana sa Kuya ko kaso—"
"Kaso hindi tinanggap?" pagpuputol niya sa sasabihin ko. Tumango naman ako.
"I'll take that.." sabi niya pa na ikinagulat ko. Nakanguso siya sa bitbit ko. So, cute hehe.
"Uhmm.." nahihiya pa akong ibigay sa kanya. Inabot naman kagad niya.
"Thanks, hehe. Dapat hindi nagsasayang ng pagkain, maraming bata at matatanda ang nagugutom." sabi pa nito sa akin habang inilalagay sa loob ng bag ang binigay ko. Napaka-bait pala niyang tao.
"By the way, I have to go.. May class pa kasi ako. Pumunta ka na rin sa klase mo, baka malate ka." sabi niya pa at tinapik ang balikat ko. "See you around." sambit nito sa akin at kumaway pa habang naglalakad papaalis. Bigla na lamang akong nangiti. Sana kung siya na lang 'yong naging Kuya ko psh! Sana hindi na lang 'yong Nico na 'yon!

BINABASA MO ANG
Kuya
RomanceToni isang 18 years old na babae na matagal ng pinapangarap na magkaroon ng isang kuya. Kuya na magtatanggol sa kanya, kuya na nandiyan para pasayahin siya, kuya na ibibili siya ng mga gusto niya, kuya na handang isakripisyo lahat para sa kaniya, ku...