Toni Pov:
Kinabukasan.
Tulog pa ako pero maaga akong pinasok ni Mama sa kwarto para gisingin. Halos ipagtulakan na niya ako papasok sa loob ng banyo ko at isubsob sa tiles.
"Mama naman eh! Inaantok pa kasi ako! Huhu!" pag-iinarte ko pa habang papungay-pungay ang mga mata ko dahil sa antok na nararamdaman ko.
"Ano ba anak.. Kailangan mo ng maligo, aalis tayo ng Tito Kakashi mo at ng Kuya mo.. Nakakahiyang wala man lang silang magawa dito, saka bonding kasi ang tawag doon." pagpapaliwanag pa sa akin ni Mama, wala naman akong choice kaya pumasok ako sa loob ng banyo ko at nagsimula ng maligo. Nawala naman na ang antok ko ng tumama sa akin ang malamig na tubig sa shower.
Agad-agad naman akong nagbihis. White t-shirt, skinny jeans, at white na sneakers ang suot ko. Naglagay lang ako ng kaunting pabango sa may leeg at naglagay ng kaunting lip balm sa labi ko para hindi mamutla.
Nang ayos na ang lahat ng mga kakailanganin ko tulad ng phone at wallet ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba sa may salas. Nakita ko naman si Tito—este Papa. Haysss. What if Tito-Papa na lang kaya ang itawag ko? Hehe. Great idea.
"Good morning Tito-Papa!" bati ko sa Step-father ko na inaayos ang mga kakailanganin namin. Napalingon naman ito sa akin at napangiti, guwapo si Tito-Papa, siguro ay nasa 40+s na ang edad niya, pero kahit na ganoon ay makikita pa rin sa mukha nito ang gwapong mukha noong kabataan niya.
"Good morning, hija." bati sa akin ni Tito-Papa at hinaplos ang buhok ko.
"Good morning anak!" bati rin sa akin ni Mama na kakagaling lang sa kusina.
"Good morning Ma!" bati ko sa kanya, lumapit naman ako at hinalikan siya sa may pisnge.
"Mauna ka na doon sa labas, nandoon ang kotse ng Tito Kakashi mo. Nandoon na rin ang Kuya mo." sambit sa akin ni Mama. Nagulat na lang ako at napa-letter "o" ang nguso ko ng malamang may kotse pala sila Tito-Papa.
"Sige po Mama!" pagpapa-alam ko sa kanila at saka nagmamadaling maglakad papalabas ng bahay, sa labas ng gate ay nakita ko nga sa may garahe na may kulay itim na sasakyan. Nakatayo at pasimpleng nakasandal sa may pintuan ng kotse si Kuya habang busy sa pagtitipa sa phone niya, siguro ay may kausap o katext ito.
"Good morning Kuya!" hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay binati ko siya pero wala man lang akong natanggap na sagot o kahit tingnan niya man lang ako ay hindi niya nagawa hanggang sa makapunta na ako sa harapan niya.
Natatawa naman akong pinagmasdan ang mukha niya habang busy sa pagtype sa phone niya. Gwapo si Kuya, mas matangkad siya ng kaunti sa akin, maputi ang kutis niya, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at singkit ang mga mata niya.
"Anong name mo?" tanong ko pa sa kanya, pero hindi niya man lang ako tiningnan at sinagot. Sa maiksing salita ay hindi niya man lang ako pinansin.
Hmmmp! d>_<b
Tahimik lang akong nakatingin sa mga mata niya at parang bata na hinihintay na magtama ang paningin naming dalawa. Pero walang nangyari.
"Haysss..." napabuntong hininga na lamang ako, tumabi ako sa kanya at isinandal din ang likod ko sa may pintuan ng kotse. Pakiramdam ko ay napagod ako sa pagtitig at paghintay ng sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako pinapansin. Kung bakit ganito ang trato niya sa akin. Pakiramdam ko ay ayaw niya akong maging kapatid, ayaw niyang maging mama si Mama at ayaw niya kaming maging isang pamilya. Pero mayroon pa ring part sa puso ko na sinasabing siguro ay ganyan lang siya dahil ngayon palang kami nagkakilala.
BINABASA MO ANG
Kuya
RomanceToni isang 18 years old na babae na matagal ng pinapangarap na magkaroon ng isang kuya. Kuya na magtatanggol sa kanya, kuya na nandiyan para pasayahin siya, kuya na ibibili siya ng mga gusto niya, kuya na handang isakripisyo lahat para sa kaniya, ku...