Toni Pov:
Ala-siete ng gabi ng mapagpasyahan nila Mama at Tito-Papa na umuwi na. Naging tahimik lang kami sa byahe at tila walang nag-uusap. Paminsan-minsan ay sinisilip ko si Kuya na katabi ko sa upuan. May jacket na nakatabon sa mukha mukha niya kaya't hindi ko nakikita ang itsura niya ngayon. Hindi ko alam kung natutulog lang ba siya o umiiyak.
"Good night Ma." pagpapa-alam ko kay Mama, hinalikan naman niya ako sa pisnge. "Good night po Tito-Papa." paalam ko kay Tito Kakashi, hinimas-himas naman niya ang ulo ko. Magkasunod naman kaming naglakad ni Kuya sa may hagdan at mas nauuna lang siya sa akin.
*Booooogssshhh*
Halos tumalon sa gulat ang puso ko ng padabog niyang isara ang pintuan ng kwarto niya. Hindi pa man ako nakakapasok sa pintuan ko ay naririnig ko na ang sigaw niya sa loob ng kwarto niya. Hindi naman 'yon kalakasan pero maririnig mo sa bawat atungal at hikbi niya ang sakit na nararamdaman niya.
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay nagpahinga lamang ako saglit bago maghalf-bath at magsipilyo. Pagkatapos noon ay naghanda na ako para sa pagtulog. Pinakiramdaman ko rin ang kabilang kwarto at tahimik na. Siguro ay nakatulog na si Kuya.
2:40 a.m.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng hangin na tumatama sa bubog na salamin ng sliding window ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina para uminom sana ng tubig. Pero nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng makita kong bukas ang pintuan namin sa salas. Kung ano-anong bagay ang pumasok sa isip ko. Isa na doon ay may nakapasok kaya sa bahay namin?
At mas lalo akong kinabahan ng marinig ang boses ng isang lalaki sa labas at tila may kinakausap ito.
"Seriously Kylie? You are breaking up with me?" tumigil ito sa pangungusap. Dahan-dahan naman akong bumaba sa may hagdan at pumunta sa may bintana para silipin ito. Doon ay nakita ko si Kuya na may kausap sa telepono, nakatalikod siya sa akin, pabalik-balik siyang maglakad, may hawak na sigarilyo. Pero ang di ko inaasahan ay ang itsura ng suot niya ngayon, nakaboxer lang siya at walang suot na pang-itaas. Napa-iling-iling na lang ako sa nakita ko at napabuntong hininga, naglakad na ako papunta sa may kusina.
"YOU!"
Narinig ko ang boses niya kaya taka naman akong napalingon sa kanya. Nakaharap na siya sa akin at naglalakad papunta sa pwesto ko.
"Bakit Ku—" natigil ko ang sasabihin ko ng bigla na lamang niya akong hawakan ng mahigpit sa panga at isinandal sa may pader. Hindi ko alam kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko ng makita ko ang madilim niyang mukha at ang namamaga niyang mata.
Umiyak ba siya?
"Ikaw! At ang malandi mong ina ang dahilan bakit naging ganito ang buhay ko!" sabi nito sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkainis sa kanya.
Ako? At ang mama ko? At tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang malandi ang mama ko!? Walang modo!
"Pwede ba nasasaktan ako!" bulyaw ko dito pero mahina lang ang pagkakasabi ko dahil una sa lahat ay natatakot akong baka magising sila Mama at Tito-Papa, natatakot din ako na baka mapagalitan siya ng papa niya dahil alam kong nagtitimpi lang talaga ang papa niya sa kanya. Ayaw ko rin na makita kami ng mga magulang namin ng ganito. Nakaboxer lang siya at walang suot na pang-itaas, ako naman ay nakapajama pero manipis lang ang suot kong sando at isa pa wala akong bra. Di talaga ako nagbrabra tuwing matutulog pero di ko naman inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay sa oras na ito. Ngayon lang tuloy ako nakaramdam ng hiya sa itsura ko at suot ko.
"Ikaw! Ikaw at ang nanay mo! Peste kayo sa buhay ko!" nanlilisik na sabi nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo niya sa amin ganoong wala naman kaming ginagawa ni Mama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kuya
RomanceToni isang 18 years old na babae na matagal ng pinapangarap na magkaroon ng isang kuya. Kuya na magtatanggol sa kanya, kuya na nandiyan para pasayahin siya, kuya na ibibili siya ng mga gusto niya, kuya na handang isakripisyo lahat para sa kaniya, ku...