#Please Vote and Follow me on my Account💋
Nagising ako sa sobrang ingay. Ano bang meron at parang disco bar tong condo ko. Bumaba ako at naabutan ang higit limang tao sa sala na nag-uusap at nagtatawanan. Meron ring dalawang babae na naka-shorts ng sobrang ikli at spaghetti upper na naka-upo sa hita ng dalawang lalaki.
"Guys, handa na ang carbonara" sabi ng pamilyar na boses. It's Arlo.
Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya at nilantakan yung pagkain.
"Aherm" I called their attention. Taas kilay silang nakatingin sakin. Aba't!
"Baby, who is she?" Sabi nung isang babae. Ewan ko lang pero naiinis ako sa kanya. Maypa-baby-baby pa siyang nalaman. Akala mo naman sanggol si Arlo. Bulag ba siya?! Urgh!
"Excuse me, but I don't remember inviting you all" mataray kong sabi at nag-cross arms.
"Ahmmm.." kinakabahang sambit ni Arlo
"Ahhmmm. Ano?" Mataray kong tanong sa kanya
Inakbayan niya ako at tinuyo ang pawis sa kanyang nuo. "Ano kasi Sam... Ano... Kasi..." kinakabahang sabi nito
"Ano nga?!" Inis kong sabi
Nakaka-inis kasi eh. Parang wala na siyang respeto sa condo ko eh akala mo naman siya may-ari. Ang kapal talaga. Hindi nalang sana kasi ako pumayag.
"Okay lang ba na dito muna sila Sam. Please?" Pamamaka-awa niya with puppy-eyes pa. Ang walanghiya talaga! Hindi niya ako madadala niyan noh. Hindi naman siya cute. Pweh
"Sige na Sam. Magbe-behave kami promise" sabi nung mukhang half breed. Mukha kasi siyang half-American at half-Filipino. Pilyo rin ang ngisi nito na halatang babaero. Tsk!
Binatuhan siya ng unan ni Arlo. "Ulol! Sinong mau-uto mo" natatawang sabi ni Arlo
Malakas na natawa yung mukhang koreano "Behave daw" tukso nito at lumakas pa ang tawa nito
The half-breed guy pouted.
"By the way this is Sam, Kapitbahay ko" pakilala ni Arlo sakin
"Hi Sam"
"Nice to meet you"
"Ang hot mo"
Sunod-sunod nilang sabi.
"Sam, these are my friends..." turo niya sa kanila
"I'm Mark" sabi nung lalaking kanina pa tahimik na nagbabasa ng libro
"I'm Lucas" sabi nung half-breed. Siya ata ang pinaka-gwapo.
"I'm Jaemin" sabi naman nung koreano.
Hindi nagpakilala ang dalawang babae at sa halip ay inirapan lang ako at tinaasan ng kilay. Ang sarap sipain paalis sa condo eh. Pasalamat sila at mabait ako.
"Arlo, bakit dito ka natutulog?" Sabi ni girl no. 1 at ipinalupot ang kanyang braso sa braso ni Arlo.
Ewan ko lang pero naiinis ako eh. Hindi ko nalang pinansin. "Patience self" bulong ko sa aking sarili.
Naglaro sila ng karaoke pataasan ng score, nagpa-galingan sila ng pagluto at iba pa.
"Baby, try this" sabi nung girl no. 1. Sinusubukan niya subuan si Arlo.
"Lara, not now please. Ayaw kong kumain" pag-iwas ni Arlo at tumingin sakin. Buong araw na iniiwasan ni Arlo si Lara kaya para ng umusok ang ilong nito sa inis. Buti nga sa kanya. Born to be higad. Eeewww
Tinaasan ko ng kilay si Arlo. He smirk. Tsk!
Kumuha ng portion ng pagkain si Arlo. "Sam, gusto mo?" Tanong nito
Naghiyawan ang mga kaibigan niya.
"No thanks" simple kong pagtanggi na may halong nandiri kahit katakam-takam naman yung pagkain. Gusto ko lang talagang awayin siya HAHA.
"Sick burn!"
"Apply water on the burnt area"
"Rejected ka pare. Get a life!"
Tukso nila at humagalpak ng tawa. "Mga gago!" Reklamo ni Arlo at pabagsak na ibinaba ang kutsada. Hala, nagalit ang walanghiya.
Napatingin naman ako sa papalayo niyag rebulto. "Anong problema nun?" Tanong ko sa mga kaibigan niya
"Hayaan mo na siya Sam. Kumain ka nalang. Mabubusog ka pa" pigil tawang sabi ni Lucas.
Inakbayan naman ako ni Jaemin. "One reason, hindi ka kasi nagpasubo" tawa nito
"Eh? Ano naman ngayon kung hindi ako nagpasubo?" Naguguluhan kong tanong
The three of them look at me like their saying 'are you for real?'.
"You are unbelievable" maikling sabi ni Mark at napa-iling.
Itinuloy nalang namin ang pagsasaya hanggang sa sumali si Arlo. Ay, okay na siya ang bilis naman.
"Sam umiinom ka ba?" Tanong ni Lucas. Umiling ako.
"Talaga?" Hindi makapa-niwalang sabi ni Jaemin. "Try this. Konti lang" pilit na iniabot ni Jaemin sakin yung inumin.
I'm having second thoughts on wether to drink it or not when Arlo grab the liquor from Jaemin and consumed the glass. Lucas whistled and chuckled.
Tiningnan ako ng masama ni Arlo. "You.." turo niya sakin. "Don't even drink this kind of drinks. I don't want seeing you gulp even a drop of this" seryoso niyang saad kaya napatango naman ako.
"Okay guys sinong susunod.." pag-iiba ni Lucas at itinaas na naman ang baso na puno ng alak.
"I'll be taking all Sam's shots" biglang sabi ni Arlo.
Lucas ang Jaemin both have this teasing face at sinadya talagang punuon yung baso ni Arlo. Mga pasaway talaga.
Hanggang alas-nyebe lang silang mag-barkada sa condo ko at umuwi na. Si Arlo lang ata ang lasing sa kanila eh.
Mukha na siyang walang buhay sa sahig na kung-ano- ano ang sinasabi. Natawa nalang ako.
Inilalayan ko siya papunta sa kwarta at sobrang bigat niya. Parang naka-pasan ako ng 100 kilo na bigas.
"Hahaha! Ano bang nangyari nakakatawa ka" parang baliw na sabi nito.
Tsk. Natatawa nalang ako habang nakatitig sa kaniya ng bigla siya umiyak. Jusmiyo! Umiiyak din pala ang damuho na'to?!
"Meg please, don't leave me. I love you. I love you very much" hikbi nito.
Suddenly... I felt this pang of pain within me.. Bakit parang nasasaktan ako? Have I fallen for him unconsciously?
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door
RomanceSamantha Bliss Cordova is single for a long time. She's too bitter for love. She despises those cheesy interactions especially during Valentines Season which is her most hated season. Then Arlo Saavedra came into her life. He's a known playboy and S...