Chapter 27

464 20 0
                                    

Nagising ako sa malakas na katok. Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa inaantok pa 'ko.

Tinignan ko ang orasan at ala una na pala ng tanghali. Mabuti na lang ay isang linggo kaming walang pasok sa school dahil may event at hindi naman required na pumunta.

Alas singko na kasi ng umaga ako natulog dahil pagkatapos ng party ay naisipan naman nila Sazy na dito sa apartment dumerecho at nagkayayaan pang uminom.

Parang magigiba ang pinto sa lakas ng katok.

"Wait!" sigaw ko tsaka nagmadaling pumunta sa may pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay nawala ang antok ko at nanlaki ang mga mata ko.

Agad kong sinarado ang pinto. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Sumandal ako sa likod ng pinto tsaka hinawakan ang kumakalabog kong dibdib.

"Shit! Nananaginip ba 'ko?" mahinang tanong ko sa sarili. Pinagkukurot ko pa ang sarili ko.

Hindi na ulit kumatok kaya naisip ko na baka namalikmata ako. Dahan-dahan ko uling binuksan ang pinto at doon ko nakumpirma na hindi ako nanaginip.

Derechong nakatitig sa'kin ang mga mata niya. Hindi ako makahinga kaya pabagsak kong isinara ulit ang pinto. Nanghina ang mga tuhod ko kaya napasandal ako.

"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ng bagong gising na si Celine.

"Celine...ano."

Halos hindi ko na marinig ang sarili ko dahil sa nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Ano? Bakit?" Lalong nakita sa mukha ni Celine ang pag-aalala.

"Nasa..l-labas.. s-siya," nauutal na sabi ko.

"Sino? Tabi nga jan." Lalapit na sana sa'kin si Celine para buksan ang pinto.

"Si Sage."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Are you kidding me?" Maging siya ay hindi makapaniwala.

Nagmadali akong tumakbo sa loob ng kwarto ko.

Shit! Bakit umiiyak ako? Bakit ang sakit sakit pa rin?

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagkulong sa kwarto ko. Nakailang katok na rin sa akin si Celine para kumustahin ako pero nagkunwari na lang akong tulog.

Naisipan kong ayusin ang sarili ko.

"Nanjan pa rin siya," bungad sa akin ni Celine. Nilampasan ko lang siya tsaka dumerecho sa c.r. para maligo.

Habang nagsusuklay ako at nakaharap sa salamin ay binuo kong mabuti ang desisyon ko na haharapin ko si Sage. Sinadya niyang pumunta dito sa apartment ko at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako nakakausap.

Nag-ayos ako ng mabuti. Gusto kong isampal sa kanya na I'm better off without him.

"Vera, sigurado ka ba dito?" tanong ni Celine. Nakaupo ako ngayon sa sofa at inutusan ko siyang papasukin niya si Sage.

Nginitian ko siya. "Very sure."

Nag-aalangan pa siyang tumayo tsaka binuksan ang pinto.

"Pasok ka daw, Sage."

Rinig ko pang sabi ni Celine.

Umupo si Sage sa harap ko. Pinilit ko siyang tignan para ipakita na wala na siya para sa'kin, na nakamove on na 'ko.

"Vera..."

Tinatagan ko ang loob ko. Marinig pa lang ang boses niya ay parang sinasaksak na ako sa sakit.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon