Chapter 11

592 30 0
                                    

"Finally!" Parang nabunutan ng tinik si Kyril.

"Magbibihis lang ako," sabi ko tsaka dumerecho na sa kwarto ko. Naligo muna ako. Hindi ako makapili kung anong susuotin ko.

"Vera, konting bilis naman. Nandoon na ang mga boys!" sigaw ni Kyril.

Nataranta naman ako sa pagsigaw niya kaya naisipan ko na lang isuot 'yong kulay puting skater dress na binigay ni Celine tsaka pinaresan ko ng kulay cream na flat shoes. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang hanggang bewang kong buhok.

Tumingin ako sa salamin tsaka naglagay ng liptint at powder pagkatapos ay bumaba na 'ko. Nakahalukipkip si Kyril sa tapat ng hagdanan

"Napakaganda talaga ng Vera namin!" Humahagikhik pa si Briana.

"Kaya naman pala ang tagal magbihis," sabi ni Andrea sabay ngisi.

"Hindi naman matagal, nainip lang kayo kasi pagdating ko ready na kayo."

"Nakikipagdate pa kasi kay Liam." Iiling-iling pa si Kyril.

"Date ka jan!" sabi ko tsaka sumunod na kay Andrea sa labas.

Sa front seat ako umupo.

"Bakit ba ang aga natin pupunta sa birthday ni Stephen?" tanong ko tsaka nagspray ng pabango.

"Excited na nga kasi si Andrea!" Humahagikhik pa si Briana.

"Shut up, Bri! Dadaan pa kasi ako sa Watch Republic para kunin 'yong inorder kong watch for Stephen."

"Hala! Nakalimutan kong bumili ng regalo!" Nawala sa isip ko na kailangan ko palang bumili ng regalo.

"Sa tabi ng Watch Republic ay Clothes Republic doon ka na lang bumili, " sabi ni Kyril.

"Okay lang kaya na damit?" tanong ko.

"Why? Hindi mo kailangan magbigay ng meaningful gift, hindi naman si Sage ang may birthday," sabi ni Kyril. Naghalakhakan pa silang apat.

"Stop it, Kyril! May girlfriend na 'yong tao inaasar mo pa 'ko sa kanya," saway ko kay Kyril.

"E, paano kung walang girlfriend?" tanong ni Bri habang may nakakalokong ngiti.

"E, meron na nga!"

"E, paano nga kung wala?" pangngungulit pa ni Ate Kim.

"Basta..Ewan ko sainyo!" nahihiyang sabi ko. Pinaulanan naman nila 'ko ng panunukso.

Pagdating namin sa Watch Republic ay nagpasama ako kay Kyril sa loob ng Clothes Republic, siya kasi itong magaling sa pagpili ng pangregalo.

"Pansin ko kasi mahilig si Stephen sa sweat shirt," sabi ni Kyril kaya pumunta kami sa sweat shirt section.

"Oo nga. Madalas siyang nakasweat shirt. Alin kaya dito itong sky blue or gray?" tanong ko tsaka itinaas 'yong dalawang sweat shirt.

"Kung si Sage ang bibigyan mo, I prefer the gray one but since para kay Stephen 'yan, mas maganda 'yong sky blue." sabi niya sabay ngisi.

"Alam mo ikaw mukha kang Sage!" Inirapan ko pa siya tsaka pumunta sa counter. Tumatawa naman siya habang sinusundan ako.

Pagbalik namin sa kotse ay nandoon na din sila Andrea.

"Grabe ang mahal ng relo! 500,000 for a watch?" hindi makapaniwalang sabi ni Ate Kim.

"It's personalized, Ate Kim. Si Andrea mismo ang gumawa ng design," sabi naman ni Bri habang tinitignan ang box ng relo.

"And besides barya lang para kay Andrea ang 500,000. Perks of being a rich kid," sabi naman ni Kyril.

"It's okay. Worth it naman kasi nag-iisa lang ang ganyang design na relo walang katulad kaya wala siyang mahahanap na ganyan kahit saan pa." Malaki ang ngiti ni Andrea.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon