Chapter 9

573 29 0
                                    

"O, bakit ang aga mo?" tanong ni Ate Kim habang nakakunot ang noo.

"Tapos na mga activities sa St. Celestine?" tanong pa ni Andrea.

"Hindi pa," sagot ko tsaka sumalampak sa sofa.

"Bakit umuwi ka na?" tanong ulit ni Andrea. Naghihintay rin ng sagot si Ate Kim.

"Nandoon naman na si Jade, ano pang gagawin ko doon?" Humalakhak naman sila.

"Selosa naman pala!" nang-aasar pa na sabi ni Andrea.

"Hindi kaya!" nahihiyang sabi ko tsaka itinuon ang atensyon ko sa panonood ng  t.v.

"Kahit kelan talaga, In denial Queen!" sabi ni Ate Kim sabay halakhak. Binato ko naman siya ng throw pillow.

"Hindi nga kasi!" Tinignan ko pa siya ng masama.

"O, magwowalk out na 'yan!" sabi pa ni Andrea kaya natawa na lang ako.

Nagbake si Ate Kim ng cupcakes kaya iyon ang nilantakan namin habang nanunuod ng movie.

"Paano nga pala nakapasok si Jade? No outsiders allowed, right?" tanong ni Andrea.

"Aba malay ko!" sabi ko habang nakatuon pa rin ang mga mata ko sa pinapanood namin.

"Wag naman masyadong ipahalata na medyo bitter." sabi ni Ate Kim habang tumatawa.

"I'm not, Ate. Ano ba!" naiinis na sabi ko. Humalakhak naman silang dalawa.

Nagtatawanan kaming tatlo nang biglang dumating sila Kyril, Bri, Alezander, Brixel, Sage at Jade.

"O, akala ko kaya ka umuwi kasi inaantok ka na?" Pinagkrus pa ni Kyril ang dalawang braso niya sa harap ko.

Mahina kong kinurot si Andrea nang magsasalita sana siya.

"Nawala bigla, e."

Sinamaan ako ng tingin ni Kyril.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Ate Kim.

"Yup!" sabi ni Brixel tsaka tumabi kay Ate Kim.

"Sayang, Vera! Hindi mo napanuod 'yong fireworks. Sobrang ganda!" sabi ni Briana.

"Kaya nga, Vera. Ang ganda talaga!" sumang-ayon pa si Jade tsaka humilig kay Sage.

"Napanuod ko naman na 'yon last year." Pilit kong itinatago ang tabang sa boses ko.

"'Yon ba 'yong kasama mo si Liam?" tanong ni Ate Kim. Tumango naman ako.

"Kaya naman pala ayaw palitan 'yong memories." Humalakhak pa si Andrea at Ate Kim. Napailing na lang ako.

"Anong sinasabi niyo na dalawa jan? Basted nga si Liam kay Vera!" singhal ni Kyril habang nakataas ang isang kilay.

"Hoy, Kyril! Para sabihin ko sa'yo na lahat nagbabago. Sobrang effort kaya ni Liam tsaka persistent siya na makuha si Vera." Kinrus pa ni Andrea ang mga braso niya. Nalaglag naman ang panga ko sa mga pinagsasabi niya.

"Wag niyo ngang pakealamanan ang lovelife ni Vera!" singhal ni Bri.

"Mukha namang hindi gagawa ng mabuti 'yong Liam na 'yon." Napalingon ako sa nagsalitang si Alezander.

"Alezander, Liam is a good person," sabi ko. Nagkibit balikat naman siya.

"We need to go. Let's go, Jade!" Tumayo si Sage tsaka hinatak ang gulat na si Jade. Humalakhak naman si Andrea at Ate Kim.

"Anong problema ni Sage?" tanong ni Briana.

"Walk out King din pala!" sabi ni Andrea sabay halakhak. Naghigh five pa sila ni Ate Kim.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon