Chapter 64

455 16 0
                                    

Tatlong araw ang nakakalipas magmula noong awkward na pangyayari sa pagitan namin ni Sage at ngayon ay hindi kami nagpapansinan.

Maayos na ang pakiramdam ko. Gustong gusto gumawa ng sand castle ni Zerene, kanina pa may kausap si Sage sa phone at mukha business matter kaya kahit hindi naman ako marunong gumawa ng sand castle ay heto ako kasama ni Zerene.

"Mommy, kanina pa tayo dito pero wala pang sand castle." Ngumuso pa si Zerene.

"Wag ka na masad, princess! Daddy is here." Lumingon ako sa tumabi sa akin na si Sage. Nakaboard short na siya. Dumapo ang mga mata ko sa abs niya.

Damn that perfect abs!

Stop it, Vera! Baka nakakalimutan mo kapatid mo 'yan.

Iniwas ko agad ang tingin ko kay Sage. Mabuti na lang ay hindi niya ako nakitang tumingin sa abs niya dahil busy sila ni Zerene. Tahimik lang ako dito sa tabi nila.

"Is there any chance?"tanong si Sage.

Tumingin ako sa kanya pero sa sand castle siya nakatingin.

"Is there any chance for us?" Nagtama ang mga mata namin.

Biglang kumalabog ang puso ko.

"Kahit konti lang, Vera?"

"S-Sage." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I just want a yes or none answer, Vera!" madiin na sabi niya. "You only have two choices. Meron ba o wala?"

"Sage, magkapatid tayo." Nag-iwas ako ng tingin.

"Meron ba o wala, Veranica?" matigas na tanong ni Sage.

"Sage, w-wala! Wala! Wala tayong c-chance! Hindi tayo pwede," nauutal na sabi ko.

"Do you still love me, Vera?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Look at me, Veranica! Do you still love me the way I love you?"

Parang may nagbara sa lalamunan ko. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi ko alam, Sage. At kung mahal pa rin kita ay wala na 'yong kwenta."

"Sabihin mo lang na mahal mo pa rin ako, Vera. Kaya kitang panindigan at sana ay ganoon ka din sa'kin."

Nangilid ang mga luha ko.

Hindi nga pwede, Sage. We will never win kahit anong gawin natin dahil kung sakaling may chance talaga tayong manalo sana nanindigan na ako four years ago pa lang.

Tumayo ako. "Ikaw na bahala kay Zerene."

Nang pabalik ako sa rest house ay nakasulubong ko pa si Bri. Nagtama ang mga paningin namin, umiwas ako ng tingin.

Bukod sa mali na manindigan dahil magkapatid kami ay masasaktan din namin si Bri.

Naisipan ko na lang na magluto para sa merienda nila.

"Vera."

Hindi ko pinansin si Sage at nagpatuloy lang ako sa pagluluto. Nagulat ako nang hilahin niya ko at isandal sa pader. Ikinulong niya ko sa pagitan ng dalawang braso niya.

"Sage, a-ano ba!" nauutal na sabi ko at pilit siyang itinutulak pero masyado siyang malakas.

"Vera, hanggang ngayon pala mahal pa rin kita." Lumungkot ang mga mata niya.

"Hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga."

Biglang tumulo ang luha ko.

"Sage, hindi nga pwede! Hindi tayo pwede." Para akong napaso nang punasan ni Sage ang mga luha ko kaya hinawi ko ang kamay niya.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon