Chapter 54

407 11 0
                                    

"Saan ka galing?" tanong ni Jade nang makapasok ako sa bahay.

"Jan lang sa likod."

Iniingatan ko na hindi makita ni Jade ang envelope na tinatago ko sa likod ko. Ang buong atensyon niya ay bumalik kay baby Zerene kaya nagmadali na akong pumasok sa kwarto.

Hindi na rin ako nagtagal at bumalik na ako kina Jade at baka mamaya ay makahalata pa siya na may tinatago ako.

"Hello, baby!" Hinalikan ko sa ulo ang anak ko.

Kumunot naman ang noo ko nang makitang tumitig sa akin si Jade.

"Sana maging maayos na ang lahat." Malungkot pa siyang ngumiti.

"Sana."

Pakiramdam ko ay maiiyak nanaman ako. Paano pa maaayos kung may patunay na ngayon na magkapatid kami ni Sage?

Inalis ni Jade ang tingin niya sa akin at ibinalik kay Zerene. Tumayo naman ako tsaka pumunta sa kusina para magluto ng meryenda namin.

"I love you!"

Malungkot naman akong napangiti nang yumakap sa akin si Sage mula sa likuran. Humarap ako sa kanya.

"Kumusta ang lakad mo?"

"Okay naman. Binitawan ko na ang Wainwright Hotel."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What?"

Napalingon kami kay Jade na ngayon ay kapapasok lang dito sa kusina. Buhat-buhat niya si Baby Zerene.

"Nababaliw ka na ba, Kuya?" Hindi makapaniwala si Jade.

"I'm not, Jade! Kaya nga binitawan ko dahil hindi ako baliw. I'm going to prove that I can live without him, without Dad and without his billions," matigas na sabi ni Sage.

"This is too much, Kuya! Anong mangyayari sa'yo? Sainyo nila Vera? Paano mo sila mabubuhay?"

"Just like what I've said, papatunayan ko kay Dad na kaya kong tumayo sa sariling mga paa ko." Ngumisi pa si Sage.

"You can't give up the Wainwright Group of Hotels that easily, Kuya! Daddy needs you." Nangilid ang mga luha ni Jade.

"Wag mo akong diktahan ng gagawin ko, Jade!"

"Sage!" saway ko sa kanya nang pagtaasan niya ng boses si Jade.

"Isa lang ang hinihingi ko sa kanya, Jade, iyon ay pabayaan niya na kami ni Vera at ng anak namin pero matigas siya at pinapili pa niya 'ko between him with all of his billions or si Vera at sigurado ako na alam na alam mo kung sinong pipiliin ko." Napatakip ako sa bibig ko habang si Jade ay tuluyan nang umiyak.

"I can't believe you!" Nagwalk-out si Jade.

"Sage, hindi mo dapat ginawa 'yon. Kailangan ka ng daddy mo!"

"Dalawa lang, Vera. Ikaw o siya, and it's always gonna be you, kayo ng anak ko." Hinila niya ako tsaka niyakap. "Mawala na ang lahat sa akin wag ka lang, wag lang kayo ni Zerene."

Dumerecho si Sage sa kwarto. Ako naman ay pumunta kay Jade at baby Zerene na nasa sala.

"Jade," tawag ko.

Tumingin siya sa akin at nakita ko ang talim sa mga tingin niya pero hindi rin nagtagal ay napalitan din ng lungkot ang mga mata niya.

"I'm sorry," malungkot na sabi ko.

"Wala kang kasalanan. Hindi lang ako makapaniwala na kayang igive up ni Kuya ang Wainwright Group Of Hotels na hindi pinag-iisipan."

Bumuntong-hininga pa si Jade.

Chasing Chances (Chasing #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon