The Romantic Night

2.1K 24 0
                                    


Susan?  Nagulat naman si Samson ng makita kung sino ang nakatayo sa harapan ng kanilang building.

Ay Santa Maria!  Ani Susan dahil nagulat siya sa biglang pag tawag sa kanya ni Samson.

Bat kaba ng gugulat?  Mataray niyang saad dito.

Bat ka nandito bat dika pumasok sa luob? May kailangan kaba?  Tara!  Pag yaya nito sa kanya.

Wag na dito nalang ako, ani Susan habang liyad ito ng liyad dahil tinitingnan niya kung ano ang nanyayari sa luob..

Tika!  Anjan ba si Pamela?  Tanong ni Samson dahil hindi naman pupunta duon ang kaibigan nito kung wala duon si Pamela.

Oo nasa luob, kinakausap yang kaibigan mo!  Nakangusong saad ni Susan.

Ha bakit?  May kailangan sya?  Pag katapos nyang takbuhan ang mga obligation nya sa companya, pag katapos nyang mag awol!  Tapos ngayon babalik sya. Humanda na kayo ng abogado dahil sa kurte tayo magkikita. Ani Samson at papasok na sana siya sa luob.

Hoyyyyy!!!  Ang kapal !hahaha  Sino ka para sabihin yan!  Abogado? hoy wag kami. Hindi naman aalis ang kaibigan ko kung hindi siya niluko ng kumag mong best friend.  Tapos ngayon kayo pa ang balak mag pakulong.. Sige ipakulong nyo ang kaibigan ko kung kaya nyo,ah hindi pala kung kaya ng Puntabella nayan. Kasi buntis si Pamela at kaya lang naman sya andito para sabihin jan sa komag mong kaibigan na sya ang tatay ng dinadala ni kaibigan ko. Gets mo. 

What?  Buntis si Pamela?  Takang tanong ni Samson. Nagulat naan siya ng sumulpot duon si Pamela na mugto ang mga mata.

Halika kana!  Alis na tayo ani Pamela at agad niyang niyaya ang kaibigan.

Naiwan namang nakakunot nuo si Samson at hindi ito makagalaw sa kinatatayuan nya.
Buntis si pamela?  Tapos si Kevin ang Ama pano nang yari yun ei. Matagal ng wala si Pamela dito. Umiiling nalang siyang pumasok

Nag palinga linga naman si Kevin sa paligid baka kasi anduon pa si Pamela.  Pero ng maisip niya na mas mabuti nalang na wala na duon ang dalaga para makampante na siya at hindi na siya mag isip kung ano ang ginagawa nito duon.

Kevin bro!  Humahangos namang saad ni Samson ng makita niya si Kevin.

Oh anong nanyari sayo. Bat ngayon ka lang? may dala kabang pag kain.

Oo may dala ako,  ano pala nag kauspa ba kayo ni Pamela? 

Nakita mo sya?  Nag tataka namang tanong sa kanya ni kevin.

Hindi,nag kita ba kayo?  Ani Samson na nag dadalawang isip pa kung sasabihin niya sa kaibigan ang mga nalaman nya.

Oo nag kita kami pero, hindi kami nakapag usap.  Hindi ko kasi alam kong anong sasabihin ko sa kanya. Tapos sya parang ang labo. Hindi ko alam kong anong kailangan nya. Siryusong sabi ni Kevin.

Bro!  Ah siryuso to ah, sagutin mo lang ako.

Napakunot naman ang nuo ni kevin sa sinabi ni Samson.

May nanyari ba sa inyo ni Pamela?  Diretsong tanong ni Samson.

Mas lalong kumunot ang nuo ni kevin sa tanong ng kaibigan.

Bakit mo tinatanong yan?  Siraulo kaba? 

Hindi bro!  Kasi nakausap ko ang kaibigan nya sa labas.

Diretsuhin mo nga ako?  Ano bang klasing tanong yan?  Naiinis niyang tanong sa kaibigan

Bro Buntis si Pamela,kaya sya andito dahil dun. Gusto nya kasing ipaalam sayo na buntis sya.

THE ROMANTIC NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon